100 PLUS PADELISTAS LOCAL AT FOREIGN PAPASIKLAB SA MANILA OPEN NGAYON

MATAPOS ang mahaba at komprehensibong pagpa-plano ng kaganapan internasyunal na punong-abala ang bànsa,hahataw na ngayon ang kauna-unahang prestihiyosong torneong Asia Pacific Padel Tour Manila Open sa Greenfield District , Mandaluyong City.

SPORTS

Enjel Manato

2/20/20252 min read

MATAPOS ang mahaba at komprehensibong pagpa-plano ng kaganapan internasyunal na punong-abala ang bànsa,hahataw na ngayon ang kauna-unahang prestihiyosong torneong Asia Pacific Padel Tour Manila Open sa Greenfield District, Mandaluyong City.

Lalahukan ang torneong inorganisa ng Padel Pilipinas ng higit 20 bansa mula Asya at Pacifico na malaking bilang dito ang pagsali ng local padelistas kabilang na ang national team.

Ayon kay Atty. Jacqueline Gan (Padel Pilipinas Executive Director), ang naturang international tournament na suportado na ni Padel Pilipinas founder Senator Pia Cayetano mula pa nang planuhin ang torneo kaya ninais niya mang dumalo sa pambungad seremonya ngayon ay di siya makarating dahil abala na sia para sa national midterm election kung saan ay isa siya sa winning relectionist senator.

Sinabi ni APPT president Carlos Carillo, bagama't ang larangan ng Padel ay powerhouse ang Spain, kinukunsidera niyang darkhorse ang Pilipinas sa men at women's division at posibleng mahablot ang kampeonato lalo na ang ating lady padelistas.

Optimistiko naman si APPT Executive Director na matapos ang Manila Open ay lalo pang lalakas ang padel sa Pilipinas dahil sa nakita niyang entusiyasmo sa laro ng Pinoy.

Ang tatlong araw na torneo ay masasaksihan ng mga Piĺipino ang excitement ng larong magigng future Olympic sport.

Tiniyak naman ni Bryan Joshua Casao - Padel Pilipinas head coach ang sistematikong pagdaraos upang ma-accomodate ang big turnout ng local at foreign players. kaagapay si PP team captain Argil Lance Canizares.

Ipinagmalaki naman ni E.D. Gan na magkakaroon ng state of the art padel venue sa BGC Taguig City.

"Ngayon pa lang ay saludo na ang lahat ng konsernado sa nakikitang tagumpay ng torneo sa pagsisikap ng APPT, Padel Pilipinas and of course SEN. PIA CAYETANO!

NAGDAOS ng press conference ang mga opisyales ng Asia Pacific Padel Tour at Padel Pilipinas kaugnay ng hahataw ngayong APPT Manila Open sa Greenfield District , Mandaluyong City. Ang Padel Pilipinas na organizer ng torneo ay itinatag ni public servant / sportswoman Senator Pia Cayetano ilang taon na ang nakaraan at nakapag-ambag na rin ng karangalan sa bansa. (kuha ni MENCHIE SALAZAR)