10th Asian Veterans Basketball Invt'l Singapore 2025...PILIPINAS BEST VETS BUMALIKWAS VS MALAYSIA QUINTET
AGAD na bumalikwas ang Team Pilipinas veteran cagers matapos ibaon ang koponang Malaysia,80-41 sa pagpapatuloy ng prestihiyosong 10th Asian Veterans Basketball Invitational (Lion City Cup) Championship nitong Huwebes ng gabi sa Lion City Sports Club , Aljuned Avenue sa Singapore.
SPORTS
Ni Danny Simon
9/5/20251 min read


AGAD na bumalikwas ang Team Pilipinas veteran cagers matapos ibaon ang koponang Malaysia ,80-41 sa pagpapatuloy ng prestihiyosong 10th Asian Veterans Basketball Invitational (Lion City Cup) Championship nitong Huwebes ng gabi sa Lion City Sports Club , Aljuned Avenue sa Singapore.
Matapos ang kanilang opening na pagkatalo sa kamay ng host Singapore, ibinuhos ng best bets ng Team Ph vets ang kanilang bangis kontra nagulantang na Malaysians sa pangunguna nina top scoring machines Edward Bautista,Ramil Huang, playing coach Pablo Lucas at Jun"Mr its over" Valenzuela na kuminang sa opensa at depensa.
Malaking dahilan ang pagtikada ng opensa ng Ph5 tampok ang dynamic duo sa paint at elbow perimeter nina Huang at Bautista na nagpakawala rin ng mga tres na tumikada ng tig-20 puntos upang agad na kontrolin ang laban na dumagdag pa ang slashing plays ni playing coach Lucas na nag-ambag ng impresibong 14 puntos habang si Jun ' Mr its Over' at kumana ng 11 puntos.
Katuwang din sa paģratrat sa Malaysia bets sina Pinoy vets Nelson Galang,Frank Reyes,Dennis Lim,Arnold Chuanico,Ferdi Sampol at assistant playing coach Noel Panganiban para sa kumbinsidong panalo ng koponang nasa timon ni team manager Elpi Amante.
"Sobrang determinasyon ng tropa na maka- resbak matapos ang aming opening setback.It's team effort at sana ay tuluy-tuloy ang aming momentum to victory", sambit ni Lucas.
Bunga nito ay nagkaroon ng quadlock sa team standing sa kanilang bracket:
(Philippines;1-1Malaysia; 1-1,Singapore;1-1 at Indonesia1-1) pero angat ang Pinoy5 dahil sa quotient.
Victorious Team Philippines pose for posterity after beating Malaysia 5 .
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato