11th National Sikaran Tournament 2025 sa Aklan..GSF TANAY RAVEN SIKARAN OVERALL CHAMPION NA NAMAN!
MATAGUMPAY na naidepensa ng GSF Tanay Raven SIKARAN ang titulo nito matapos tanghaling overall champion ng nagtapos na 11th National Tournament 2025 nitong weekend sa Kalibo, Aklan.
SPORTS
Danny Simon
6/8/20251 min read


MATAGUMPAY na naidepensa ng GSF Tanay Raven SIKARAN ang titulo nito matapos tanghaling overall champion ng nagtapos na 11th National Tournament 2025 nitong weekend sa Kalibo,Aklan.
Ang powerhouse team mula Tanay,Rizal sa pamumuno ni founder/president Master
Crisanto Cuevas ay isa- Isang tinagpas ang mga balakid sa kanilang title- retention mission na naging realidad matapos mapawi ang usok ng bakbakan kahapon.
" Pugay para sa ating best bets GSF Tanay Raven Sikaran for their determination and dedication to continue our winning tradition .Tunay na namunga ng ginto ang kanilang marubdob at komprehensibong pagsasanay at preparasyon para manatiling kampeon ng prestihiyosong national competition ng traditional sport Sikaran.", wika ni Master Cuevas kasunod ng kanyang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanilang laban.
"Nagpapasalamat ako unang- una sa Panginoon na ginabayan ang ating mga atleta, sa LGU ng Tanay na waĺang puknat ang pagsuporta sa adhikain ng ating sikaran team Tanay, sa mga parents, instructors at mga tumulong na maisakatuparan ang ating tagumpay..mabuhay ang Tanay!", ani pa Cuevas.
Ang iba pang koponang kalahok sa naturang torneong nasyunal ay ang GSF Wildcat Siķran Pasig,GSF Masbate Sikaran,GSF Mandaluyong Sikaran,GSF Capiz Sikaran,GSF Mambusao Capiz Sikaran GSF Dela Cruz Brothers Sikaran, GSF Cebu-Cebu at host Black Scorpion Arnis Aklan.
Head of delegation ng national champion GSF Tanay Raven Sikaran si Nicole Catolos.
Ang winning players mula Tanay ay binubuo nina( black belt) Sannoel Celestino,Jonel Catolos, Tyrone Reyes at Jheselle Mae Tarel habang sa white belt category ay kinabibilangan nina Reynabel Regala,Yhumi Lanna Luklukan,Haley Xendria Canonigo, Kenzo Lucas Canonigo, Lord Brix Campo,Sheena Persia,Mhajo Custodio,Daniel Zeus Ivadz Matienzo, Vhieniz Ivadz Matienzo at Vienuz Ivadz Matienzo.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato