IN GOD WE TRUST

16 votes to convict!

Isa sa pinakamahalagang ruling ni Sen. Chiz Escudero na ibinoto bilang presiding officer ng impeachment court ay 16 votes to convict.

OPINION

Atty. Ariel Inton

7/7/20262 min read

Isa sa pinakamahalagang ruling ni Sen. Chiz Escudero na ibinoto bilang presiding officer ng impeachment court ay 16 votes to convict. Maliban na lamang kung iba ang magiging hatol ng Korte Suprema kung idudulog ang issue na ito sa isang petition for certiorari . Wala ni isa sa mga senator judges ang kumontra. Walang nag -motion na pagbotohan ng impeachment court ang issue. At malamang walang balak ang prosecution na iakyat ng Korte Suprema ang ruling na ito.

Malinaw na two thirds vote of all members of the Senate ay two thirds vote of the 24 members of the Senate ang kailangan to convict VP Sara.

E bakit ganoon , 21 lamang ang present na senator judges yun nagsimula yun impeachment trial?

Dahil ang tatlo( Marcoleta, Estrada, De la Rosa) ay nananatiling senador pa rin. Nakapag oath na sila as senator- judges.

Kahit absent sila sa simula ng trial, kasama pa rin sila sa bilang?

Maliwanag ang saligang batas na

NO PERSON SHALL BE CONVICTED WITHOUT THE CONCURRENCE OF TWO THIRDS OF ALL THE MEMBERS OF THE SENATE.

Masdan na ang MANDATORY VOTE AY SA CONVICTION, hindi during the trial. Dahil ang paghatol ng impeachment court ay pagkatapos ng trial. Doon kailangan ang two thirds vote. Kaya nga noon pinagbotohan kung puede si Senator Chiz Escudero ang mag preside ay majority lamang ng present senators ang kailangan.

Sa tagal ng impeachment trial ay maraming puedeng manyari para maging present lahat ng 24 senators. Maaring maka -pyansa ang mga nakakulong, lumitaw ang wala. Madagdagan ang nakakulong, bumiyahe abroad , mag leave etc. PERO WALANG PAGBABAGO SA MATH NG SALIGANG BATAS. Kahit hindi naka attend ng trial? Oo dahil may transcript, videos, documents at iba pa na maaring pagbasehan ng kanilang pasya.

Para yan sa hearing ng isang kaso ng isang judge pero hindi niya natapos ang pahlilitis dahil nag resign , kinamatayan, natanggal o ano man, ang magbibigay ng hatol ay ang bagong judge kahit hindi siya present sa mga trial dates.

So 16 na ba ? Nagpasya na ang presiding officer, walang tumutol. At dahil sa THE SENATE SHALL HAVE THE SOLE POWER TO TRY AND DECIDE ALL CASES OF IMPEACHMENT, maari lamang pumasok ang Korte Suprema kung may grave abuse of discretion ang presiding officer ng impeachment court.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...