1ST GIBFI/CLR 45 TFOE-PEI HUMANITARIAN MISSION KASADO NA SA COMILLAS, LA PAZ, TARLAC SA MAYO 12
INIHAHANDOG ng Central Luzon Region XLV - The Fraternal Order of Eagles - Philippine Eagles, Inc at Guardians International Brotherhood Foundation ,Inc. (GIFBFI) ang isang tinatayang pinakamalaking "Humanitarian Mission" sa bahagi ng Central Luzon ngayong tag-araw.
OPINION
Danny Simon
4/11/20243 min read


INIHAHANDOG ng Central Luzon Region XLV - The Fraternal Order of Eagles - Philippine Eagles, Inc at Guardians International Brotherhood Foundation ,Inc. (GIFBFI) ang isang tinatayang pinakamalaking "Humanitarian Mission" sa bahagi ng Central Luzon ngayong tag-araw.
Sa pangunguna ni CLR 45 TFOE-PEI Governor Rafael A. Agcaoili, ikinasa ang mga makabuluhang proyektong may temang 'Service through Strong Brotherhood' tampok ang feeding program at medical mission para sa Tarlacqueños na mapaglilingkurang lubos..
Inaasahan ang pagdagsa ng higit dalawang-libong residente/ pasyente mula sa Brgy. Comillas at iba pang karatig- pook ng bayan ng La Paz, na itinakda sa Mayo 12 ,2024 sa covered court ng nabanggit ng barangay.


CLR XLV GOV. RAFAEL AGCAOILI


"This will be the biggest humanitarian event to be held in the "melting pot of Central Luzon" in Tarlac next month. Sa suporta ng pamahalaang lokal sa liderato ni La Paz Mayor Venus Jordan at Council, ABC president Pablo Pineda na siya ring ama ng barangay Comillas at kanyang mga kagawad ay optimistiko akong magiging matagumpay ang ating makabuluhang programa para sa tao" wika ni Gov. Agcaoili,ang kauna-unahang Pilipino na ginawaran ng parangal bilang natatanging pagkilala na top awardee ng 'Acts of Humanitarian' mula sa World Philosopical Forum ng United Nations at first Filipino to be awarded as Diplomat ng I'AIDC - UNESCO sa France kamakailan lang.
Kahun-kahong pamigay na gamot at libreng konsulta bukod sa handog na masusustansyang pagkain ang inilaan sa mga darating na bata, adults hanggang senior citizens para sa maghapong aktibidad katuwang ang mga piling dalubhasang mga doktor ng bayan. Tiniyak din ang kaayusan ng pagseserbisyo sa mga mamamayan sa pangunguna nina Brgy. Comillas kagawad Rex Adsuara,Jay Garlitos,Marina Capitly, Nestor Bolaño, Efren Garlitos,Raycand Abraham at Artemio Ramos ,Jr., Lupon Tagapamayapa, Simbahang Katoliko, INC at iba pang sekta, civic group organizations kabilang sina Cristian Silva tampok din ang pakikiisa at suporta bilang pagtupad ng humanitarian advocacy (kagandahang panglabas na anyo at pangloob sa diwa at puso) ng mga naging kalahok sa nakaraang 'Mutya ng Comillas '24 noong Marso.
Magkakaroon din na side event na 'Arts Contest' para sa mga batang alagad na ng sining kung saan ang subject ay ang ' pagtulong sa kapwa'. Optimistiko si Agcaoili na mapapantayan o mahihigitan pa ang nairaos na humanitarian missions sa Abra ng Northern Luzon, Mangatarem, Pangasinan sa Region 1 at outreach programs pa sa San Enrique at Passi City sa Iloilo,Bacolod City at Talisay City ,Negros Occ. sa Visayas Regions at ang mga nairaos na sa National Capital Region (NCR).
"Ang ating adbokasiya ay bilang balik sa kapwa at pasasalamat sa ating Maykapal sa mga biyayang kaloob NIYA sa inyong lingkod sa aspeto ng kalakalan o negosyo . Hindi natin ito pinanghingi kundi ay galing mismo sa aking lukbutan para bahaginan ko naman ang less fortunate nating kababayan na walang hinahangad na kabayaran sa buong kapuluan," ani pa Agcaoili.
Tagapagtaguyod sa naturang noble cause ang kanyang kumpayang Raedang International Builders and Developer Corp. at pinangangasiwaan na Gilas CLR 45 Network at sa koopersyon din ni CLR 45 Vice Gov. Edwin Salve at ng mga Eagle Club presidents sa pangunguna ni Kuya Chito Dequit,Kuya Atty. Modesto Lacambra, Kuya Leo Bicaldo Kuya Ding Agpoon at iba pa. Punong -abala sa kaganapan si Golden Dragon Eagles Club president/Gilas News Editor-in- Chief/ P. Files TONITE reporter/ columnist Danni Simon.








Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato