2024 5THROWS FOR ALL NG NMSAAP RARATSADA SA PHILSPORTS SA MAYO 4-5

HANDA na ang lahat ng sistema para sa pag-arangkada ng 2024 5Throws for All Philippine Masters Athletics Championship Season 2 sa Philsports,Pasig City sa Mayo 4-5, 2024.

SPORTS

Danny Simon

4/8/20242 min read

HANDA na ang lahat ng sistema para sa pag-arangkada ng 2024 5Throws for All Philippine Masters Athletics Championship Season 2 sa Philsports,Pasig City sa Mayo 4-5, 2024.

Sa idinaos na media launch (April 😎 sa PSC Conference Room, RMSC, Manila, sinabi ng pangulo ng organizer National Masters and Seniors Athletics Association of the Philippines Drolly Claravall na kanyang inaasahan ang patuloy na pagpapatala ng mga athletics enthusiasts na bukas para sa lahat partikular ang mga dating miyembro ng national team na retirado na sa kumpetetibong larangan gayundin ang mga aktibo pa sa paligsahan na aspeto.

"Expect exciting actions in Season 2 of Philippine Masters Championship na lakahukan ng mga big names sa athletics noong kanilang peak", pahayag ni Claravall sa paglulunsad kasama sina NMSAAP directors Bhen Alacar at Trece Academia.

Binigyang diin din ni 5 Throws for All head Atty Alberto Agra na di lamang sa throwing event naka-pokus ang kumpetisyon ngayong 2024 kundi pati ibang events at maari ding lumahok ang wala pa sa masters category sa open division.

Ayon kay Alacar, nagsimula na noong Marso 10 ang registration at ang deadline ay sa Abril 15 kung saan ay 198 na ang kumpirmadong lalahok sa 541 events sa run, jump at throw.

Medals, tiket sa international masters competitions at insentibo mula local government units ang nakalaang insentibo sa taunang kaganapan.

" Kalahok na ang mga koponang Pilipinas Obstacle Sports Federation, Philippine Air Force,Dasmarinas City Runners Club,City of San Fernando LU,University of Baguio, De La Salle Alumni Athletes, Underdog Fitness, First Sports-North Athletics, Elyu Eagles Masters Athletics, Lions of the South City Run, Hukbong Kabitenyo,Team Daniel at Jo Performance", ani Alacar.

Inilahad naman ni Coach Trece ang tagapagtaguyod ng kaganapan na 5 Throws for All,Masiv Sports,Wristpod, Zen Institute, Pencer Q at Philippine Sports Commission.

Ang prestihiyosong masters event ay bahagi din ng preparasyon para sa WMAC Gothenburg ,Sweden sa Agosto at sa pag-host ng 2024 Philippine Masters International Athletics Championship na lalahukan ng maraming dayuhang atleta sa dibisyon ayon kay Pres. Drolly.

Welcome naman ayon kina Ms .Judith Staples at Mr. Edward Obiena ng edObee Sports ang paglahok ng media athletes sa anumang athletics event na sasalihan kung saan ay si NMSAAP prexy Drolly na ang babalikat sa rehistrasyon.

Si 5Throws for All head Atty. Alberto Agra (gitna) kasama sina NMSAAP president Drolly Claravall at Directors Bhen Alacar, coach Trece Academia gayundin sina Judith Staples at Edward Obiena ng edObee Sports sa media launch ng 2024 5Throws for All Philippine Masters Athletics Championship Season 2 sa Philsports,Pasig City sa Mayo 4-5. (kuha ni MENCHIE SALAZAR)