2024 GILAS Award kay Chavit Singson

ISA si public servant/sportsman par excellence Senor Luis ‘Chavit’ Singson ng Ilocos Sur sa itinuturing ng Gilas Editorial Board na resipiyente ng prestihiyosong GILAS Awards 2024 na igagawad sa susunod na buwan ng Enero ng naturang news network sa susunod na taong 2024.

NEWS

Danny Simon

12/11/20232 min read

ISA si public servant/sportsman par excellence Senor Luis ‘Chavit’ Singson ng Ilocos Sur sa itinuturing ng Gilas Editorial Board na resipiyente ng prestihiyosong GILAS Awards 2024 na igagawad sa susunod na buwan ng Enero ng naturang news network sa susunod na taong 2024.

Ang political kingpin at business icon ng lalawigan ng Ilocos Sur sa hilaga ng Pilipinas ay tunay na markado di lang sa kanyang balwarte kundi sa buong bansa na rin ang kanyang kontribusyon para sa mamamayang Pilipino.

Si Senyor Chavit (bantog na pangalan niya sa masa) ay isang matagumpay na Filipino businessman/politician) na nanilbihan bilang Alcalde ng Narvacan, Ilocos Sur (2019-2022).

Naging Gobernador ng Ilocos Sur province mula 1972 hanggang 1986 noong 2001, 2004 at 2007 at mula 2010 hanggang 2013.

Si Chavit Singson ay naging Security Adviser for the Philippine Government noong 2008.

Sa larangan ng sports ay isa rin, si Singson sa dahilan ng development ng larangan sa masa sa grassroots level patunay ng maraming beses ng hosting lalawigan tulad ng Palarong Pambansa, Batang Pinoy at Philippine National Games sa pakikipagtulungan ng DepEd, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, national sports associations.

Ang naging pangulo din ng Philippine National Shooting Association (PNSA), isang local na governing body sa shooting sports mula noong 2018 ay bukas - palad din siyang tumutulong sa mga less fortunate amateur at pro athletes sa abot ng kanyang makakaya.

Tanyag din ang kanyang passion sa showbiz at entertainment community dito sa bansa at highlight dito ang kanyang pagiging punong-abala sa patimpalak ng kagandahan sa buong universe ilan taon na ang nakaraan (Miss Universe Beauty Pageant).

Iyan si Gov Singson, walang kapaguran at matagal pang magsisilbi sa bayan sa iba't ibang aspeto ng serbisyong-bansa.

Sa natatanging uri ng paglilingkod ni Chavit sa kababayang Pilipino ‘ you’ll name it, he'll have it! SIKSIK at LIGLIG! Tunay na MAGILAS!!!

GILAS & CHAVIT