2025 National Budget para sa Sports

Habang mainit na pinagtatalunan ng. mga congressmen ang 2.037 billion pesos budget ng Office of the Vice President ay marahil mapagkakasunduan nila ang pondo para sa sports.

SPORTS

Atty. Ariel Inton

9/12/20241 min read

Habang mainit na pinagtatalunan ng. mga congressmen ang 2.037 billion pesos budget ng Office of the Vice President ay marahil mapagkakasunduan nila ang pondo para sa sports.

Sa 2025 national budget ang allocated para sa Philippine Sports Commission ay 725 million pesos. Mas mababa ito kung ikukumpara sa 1.156 billion pesos last year.

Ang breakdown ng budget para sa PSC ay ang mga sumusunod: 312.5 million pesos for general administration and support. 158.2 million pesos for amateur sports 255 million for locally funded programs. Ang 175 million pesos ay para sa paghahanda sa 2025 South East Asian Games, 56.7 million pesos para sa Asian Winter Games sa China, 11.27 million para sa 2025 BMPNT-EAGA Games at 11.97 million sa Asian Youth Para Games.

May nakukuha rin ang PSC sa National Sports Development Funds.

Hindi priority ang Sports Development sa ating National budget pero Sana man lang ay nadagdagan ito at hindi nabawasan.