IN GOD WE TRUST
20th Philippine Xiangqi (Chinese Chess) Open susulong ngayon
Ang ika-20 Philippine Xiangqi (Chinese Chess) Open tournament na may temang "Thousands Islands Cup" ay magsisimula sa Mayo 1-3, 2026 sa Eastern Athletic Association, Mezzanine, Cathay Mansions Building, Room M-103, 1407 Mayhaligue Street, Sta. Cruz, Manila.
SPORTS
4/30/20261 min read


Ang ika-20 Philippine Xiangqi (Chinese Chess) Open tournament na may temang "Thousands Islands Cup" ay magsisimula sa Mayo 1-3, 2026 sa Eastern Athletic Association, Mezzanine, Cathay Mansions Building, Room M-103, 1407 Mayhaligue Street, Sta. Cruz, Manila.
Kabilang sa mga maagang nagparehistro para sa tatlong araw na patimpalak ay sina Jan Emmanuel Garcia, Angelo Young, Edmundo Gatus, Noel Jay Estacio, Tristan Jared Cervero, Rodil Juadinez, Romeo Alcodia, Abraham Tecson, Jennah Frias, Klien Cantomayor, Darwin Padrigone, Eduardo Campos, Seth Canasta, at Sem Canasta.
Ito ay magkasamang inorganisa ng Philippine Xiangqi Federation at Eastern Athletic Association. May premyong P60,000 para sa kampeon ng Group A, habang ang overall winner naman ng Group B ay tatanggap ng P20,000. Ang top players sa ilalim ng Group B Filipino at Group B Student ay magkakaroon din ng tig-P10,000 na premyo.
"Ang Xiangqi ay bahagi ng kulturang Tsino at matagal na itong nilalaro sa Pilipinas at sa buong mundo. Ngayon, may pagkakataon tayong mas palaganapin pa ang larong ito," pahayag ni Philippine Xiangqi Federation President Chen Peidun. "Ito ay larong Tsino kung saan kayang-kayang magaling din ng mga Pilipino," dagdag pa niya.
"Tulad ng Wushu, noon ay hindi pa gaanong kilala pero ngayon ay mayroon na tayong mga world champions. Ganoon din ang Xiangqi. Sa hinaharap, magkakaroon din tayo ng Pilipinong world champion," ani International Grandmaster Engr. Asi Ching.
"Lubos akong naniniwala na may malaking potensyal ang mga Pilipino na makapag-uwi ng karangalan sa Xiangqi—isang tradisyunal na laro na matagal nang nilalaro ng ating mga kababayan," pahayag naman ni Xiangqi Master Jackson Hong.
Para sa mga katanungan, maaaring tumawag o mag-message sa mga sumusunod na numero: 0915-2353593, 0917-8331129, 0908-8913681, o 0916-4048840.
Maaari ring dumiretso sa tanggapan ng Philippine Xiangqi Federation sa Room 806 Dasma Corporate Center, 321 Dasmarinas St.,Binondo, Manila. DAS
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
