2nd Cabalen Romeo Cunanan Memorial Open Chess tilt sa Clark, Lungsod Angeles

LARGA na ang lahat ng sistema para sa pagsulong ng ikalawang edisyon ng 2nd Romeo Cunanan Memorial Open Chess Tournament na sasambulat sa Agosto 3, 2025 sa Clark City Front Mall,Tower 5 Level 2 Angeles City sa Pampanga.

SPORTS

Danny Simon

7/8/20251 min read

LARGA na ang lahat ng sistema para sa pagsulong ng ikalawang edisyon ng 2nd Romeo Cunanan Memorial Open Chess Tournament na sasambulat sa Agosto 3, 2025 sa Clark City Front Mall,Tower 5 Level 2 Angeles City sa Pampanga.

Ayòn kay event in-charge NM Homer Cunanan,ang torneong inorganisa ng People Chess Center( PCC) na pinamumunuan nina Vic& Salome Noel ay may temang "Think like a Master na ang format nito ay 7- round Swiss System.

Taginting na papremyo ang nakalaan para sa magkakampeon hanggang 10th placer.

May espesyal namang papremyo para sa Top Elementary,Top High School,Top College( men- women),Top Lady,Top Senior,Top PWD at Top Youngest.

" After ng huge success noong naunang edisyon, susundan agad ito ng inaasahang mas matindingng taktakan ng talas-isip,presisyong galawan ; diskarte. at disiplina ng ating mandirigma sa ahedres ng mga dayo lalo na ang ating matatalas na mga cabalen," pahayag ni NM Cunanan na varsity chess coach ng San Sebastian College sa NCAA.

Para sa dagdag -detalye, kumontak kay Cunanan sa # 09166710494 at kay Noel sa# 09549731374.