2ND SUDOKWAN NATIONAL TOURNEY SA PASAY CITY SA BAKBAKAN NA OKTUBRE 12
ILALARGA ang Sudokwan National Tournament Championship sa Cuneta Astrodome, Pasay City na suportado ni Mayor Emi Rubiano Calixto.
SPORTS
Danny Simon
10/3/20241 min read


ILALARGA ang Sudokwan National Tournament Championship sa Cuneta Astrodome, Pasay City na suportado ni Mayor Emi Rubiano Calixto.
Inorganisa ito ng bagong tatag na sports association sa Pilipinas na malaki ang potensiyal na makapag-aambag ng karangalan sa bansa sa malaong hinaharap sa pamumuno ni 2006 Doha Asian Games gold medalist Rene Catalan na siya ring may-ari ng Catalan Fighting System sa Makati City, nitong weekend.
Full force ang mga young and adult Sudokwan martial artists/ athletes na nagsimula na ng kanilang training sa day one pa lang ng SUDOKWAN.
Nanumpa rin sa tungkulin ang mga miyembro ng Sudokwan Association, Inc. Board of Directors ayon sa mga sumusunod: Dr.Brookeshield Imperial, Kap Reynaldo Legaspi ng Pasay City, Mark Afuentes, Mhar Jhon Manahnan, Isagani Domingo, Rhino Casipe, Rene Catalan Jr., Zander Gregorio, Edemel Catalan, Jomary Torres, Rocel Catalan, Robert James Lagan, Roque Verangel Mana-ay Jr., Jessel Mandia at Ruel Catalan.
"Iniimbitahan po natin ang ating mga kaisport sa martial arts na saksihan at maari ring makipagtunggali sa ating unang presentasyon ng kampeonato sa Sudokwan na sasambulat sa Oktubre 12 ( Cuneta Astrodome). Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na kami sa ating mga magiging taga-suporta o sponsor para sa ikatatagumpay ng Sudokwan championship", pahayag ni Sudokwan top brass Catalan na optimistikong kikilalanin at iwe-welcome ng Philippine Olympic Committee family na pinamumunuan ni POC president Cong. Abraham 'Bambol' Tolentino.
" Aksiyon agad tayo sa Sudokwan. Local tourneys muna then international competitions na in the long run," wika ni Board of Director / humanitarian champion Dr. Imperial na siyang may timon sa operasyon ng asosasyon management wise.
Sudokwan in action
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato