3 GOLDS 3 SILVERS SA 7-MAN TEAM PH MLA MUAY BEST BETS SA MALAYSIA TILT
NAGPAKITANG-GILAS ang Team Philippines-Manila Muay martial artists na sumabak sa prestihiyosong torneong bakbakan sa sining martial sa Sandakan, Malaysia kamakailan.
SPORTS
Ni Danny Simon
8/27/20251 min read


NAGPAKITANG-GILAS ang Team Philippines-Manila Muay martial artists na sumabak sa prestihiyosong torneong bakbakan sa sining martial sa Sandakan, Malaysia kamakailan.
Ayon kay Team PH-Manila delegation head Rene Catalan, dating Asian Games Doha2006 wushu gold medalist at owner ng Catalan Fighting System, 3 gold medals at 3 silvers ang naiuwi ng 7-man squad na naghandog ng karangalan di lamang sa Lungsod ng Maynila pati sa buong Pilipinas na rin.
Pinangunahan ang gold medal haul ng Ph muay squad ni Edemel Catalan na nagwagi via unanimous decision para sa unang gold.
Sinundan ito ng split decision victory ni Joemar Gallaza (split decision) bago ang tampok na tagumpay kay Manuel Christopher delos Reyes na pinatulog ang kalaban via first round knockout.
Nakuntento naman sa silver ang tatlo pang Pinoy fighters na sina Rene Catalan,Jr., Liane Marie Bautista Ardena at Jeromè Balualua na natalo sa finals na pawang close decision habang ang tanging fatality ay si Kier Biron na na-knockout sa early stage ng bakbakan.
"Magiting ang naging performance ng mga bata, 3 golds at 3 silvers ang handog ng ating 7-man warriors para sa bayan. Thanks to our Almighty God at ĺahat ng sumuporta sa team," wika ni Catalan na buong pagpasalamat din kina Manila Mayor Isko Moreno, Manila Sports Council Director Dale Evangelista, Matthew Flores ng Massive Sports at Chairman Robert James Lagan ng Batang Atleta at hugot na inspirasyon kay Senate Sports Committee head Senator BONG GO.
Ang magiting na tropa ay wish na mag-courtesy call ang Manila Muay team kay Sen.Go upang ihandog ang kanilang tagumpay na inani mula sa bakbakan sa Sandakan, Malaysia mula Agosto 21 hanggang 26.
Ang victorious PH MLA Team na nag-uwi ng 3 golds at 3 silver mula sa kanilang pagsabak sa Sandakan, Malaysia.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato