3-IN-1 PACMAN, BATA & MANALO SA MANDALUYONG
DI lang pamboksing,pambilliards pa etsetera.
SPORTS
DANNY SIMON
8/17/20251 min read


DI lang pamboksing, pambilliards pa etsetera.
Iyan si Pacman - ang ating Pambansang Kamao na 8-division world champion na sa kanyang edad 46 anyos ay bumibigwas pa sa kuwadradong lona.
Bukod sa boxing,naging PBA team owner/ player at league top brass ng MPBL sa basketball maging sa volleyball na MPVL.
Op kors bullseye sa larong darts, matalas at henyo rin sa ahedres o chess at kampeon bilang public servant.
At alam niyo bang very special kay Manny Pacquiao ang larong billiards?
Dahil na rin sa ito ay larong masa at tinatangkilik ng mga intelektwal ang mga bolilyong rumerepeke sa mesa.
Ang taas ng kanyang adrenaline sa pool lalo't kasarguhan niya sina billiards icon 'The Magician/ world champon Efren 'Bata Reyes at international pool at snooker shark multi- gold medalist Kap Marlon ' Marvelous Manalo.
Silang tatlo ay pawang chess enthusiasts di ba Marlon B, Tres at Ka Noli?
Masuwerte ang mga taga- Mandaluyong ngayong buwan ng Agosto dahil three-in -one ang handog ng triumvirate. sa bayang bilyarista.
Una ay ang suporta at organisa ni dating ABC top honcho at Bgy.Malamig chairman Kap Manalo katuwang ang Pacquiao Cue Club at Yalin Bata Reyes Cue Club.
Ikalawa ay ang pagdiriwang ng Ika- pitompu't...kaarawan ni Bata na may papremyo sa senior billiards pocket tournament at ang ikatlong tampok ay ang billiards exhibition ni Efren at Manny 'Pocketman Pacquiao... get ready to rrrambboool!
Iyan ay sasargo ngayong prime August sa Worldwide Corporation Center,Shaw Blvd.,Mandaluyong City...ABANGAN!
Shoutout..kay Ka-uppercut Roger Bibat a.k.a. Tatay Boy diyan sa Makaturing ng Bgy.Malamig at nakabase na sa Cavite. Manood kayo ng exhibition nina Kap Marvelous Manalo ,Bata at Pacman.Pugay kay pioneer newstand owner and dealer Dominador Rosendo ng Barangka.Lagi daw ubos ang Police Files Tonite kaya. maaga pa lang ay bili na kayo mga suki.Si Mang Rosendo ay diyarista na noon pang Edsa Revolution. kudos to SG Vhergel Divino ng McDo Libertad sa Pasay City.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato