31 AND BEYOND @ WANG'S BASKETBALL

PATULOY ang adbokasiya ni businessman/ sportsman Alex Wang para sa entusyastiko ng basketball sa bansa dahil di tumitigil ang laro,dribol at buslo sa lupa, semento hanggang hardwood.

SPORTS

DANNY SIMON

8/5/20252 min read

PATULOY ang adbokasiya ni businessman/ sportsman Alex Wang para sa entusyastiko ng basketball sa bansa dahil di tumitigil ang laro,dribol at buslo sa lupa, semento hanggang hardwood.

Bukas palagi ang pambihirang oportunidad para sa mga potensiyal na kabataang basketbolista na mahanap at matupad ang kanilang ambisyon sa hinaharap.

sa larangan ng SPORTS na malapit sa puso ng Pinoy ayon kay basketball godfather Alex Wang sa espesyal na panayam kasama ang mga players, coaches at media friends sa isang pagtitipon na inorganisa ng Wang's Basketball sa Han Pao Mandaluyong City kamakailan ..

Nang malimbag ang kanyang aklat na Wang's @ 25 Beyond Passion, naibulalas ng Letranistang si Wang na nais na niyang isabit ang kanyang jersey #1 na gamit niyang pang-laro sa scrimmages ka-banggaan ang mga dating pro-player, aktibong commercial at collegiate cagers at upcoming basketeers na nangangailangan lang ng break ùpang madiskubŕe para sa pangarap na bigtime basketball.

Ang jersey number 1 ni Wang ay sumisimbolo ng kanyang noble endeavoùr na pagtulong sa naturang sport nang walang hangad na kapalit o return of investment para sa negosyo kundi isang ASSIST upang maibuslo ng manlalaro ang katuparan ng ambisyon.

Totoo ang katagang 'BEYOND' dahil lumipas ang 26th year, 27th at patungo nang 31st ay tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pagiging pilantropo sa mga manlalaro at lumawig pa dahil pati mga batang 15-anyos pababa sa timon ni coach Jun Magno Guingon ay kanya na ring tinutulungang ihasa ang kanilang talento sa larangan.

Lalo pang tumatag ang kanyang koponan sa D-League ng PBA at mas dumarami ang mga players na nais makabalik-aksiyon sa PBA,mahasa ng husto para sa collegiate leagues pati na ang mga lumalaro sa mga ligang labas.

" I can't help but continue this advocacy,they (players) come and go,andito lang ang Wang's Basketball sa Aquinas,tuluý-tuloy hanggang Wang'@ 31 and ...Beyond ", sambit ng walang sawang umaagapay sa mga nagnanais na magkaroon ng puwang sa bayang basketbolista.

Ang kanyang adbokasiya ay umani ng suporta sa mga cage na rito ang Perlas ng Silangan Basketball League( PSBL) na itinatag ni sportsman Christian Ensomo na ang vision ay di lang sa basketball kundi lalawig pa sa volleyball at football.Magandang senyales yan..ABANGAN!

ALEX WANG