33rd SEAGames Thailand 2025.. PH BASEBALL SQUAD PINURUHAN ANG SINGAPORE

BUONG bangis na dinurog ng Men’s National Baseball Team ng Pilipinas ang Singapore 17-3 via mercy rule sa regulation upang isubi ang ikalawang sunod na panalo sa ginaganap na 33rd Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand.

SPORTS

Ni Danny Simon

12/8/20251 min read

BUONG bangis na dinurog ng Men’s National Baseball Team ng Pilipinas ang Singapore 17-3 via mercy rule sa regulation upang isubi ang ikalawang sunod na panalo sa ginaganap na 33rd Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand.

Ang SEAGames baseball powerhouse na Pilipinas ay pinulbos agad ang Singaporean batters upang di na makaporma pa sa labang idinaos sa Queen Sirikit Baseball Stadium sa naturang kabisera ng Thailand.

Bago ang kanilang bakbakan kontra Singapore, binisita ni Philippine Sports Commission Chairman Patrick 'Pato Gregorio ang Ph squad sa kanilang dugout upang kumustahin at paangatin pa ang kanilang adrenaline na matupad ang misyong gintong medalya sa naturang biennial meet.

" Chairman Gregorio assured the team of his full support emphasizing that baseball remains one of his top priorities-a sport once the Philippines dominated in Asia and continues to dominate today in Southeast Asia", wika ni PABA secgen Mike Asuncion.

Nauna dito ay ginapi ng PH IX ang perenyal na karibal na Indonesia sa day one ng baseball event ng ika-33 edisyon ng SEAGames sa Bangkok.