33rd SEAGames Thailand 2025..PH BASEBALL SQUAD BINOKYA ANG MALAYSIA

Patuloy ang pananalasa ng Pilipinas sa men’s baseball hatawan sa 33rd Southeast Asian Games matapos di papormahin ang Malaysia, 21-0, sa 5 five innings lang sa Pathum Thani,nitong Lunes sa Thailand.

SPORTS

Ni Danny Simon

12/9/20251 min read

Patuloy ang pananalasa ng Pilipinas sa men’s baseball hatawan sa 33rd Southeast Asian Games matapos di papormahin ang Malaysia, 21-0, sa 5 five innings lang sa Pathum Thani,nitong Lunes sa Thailand.

Humataw ng five-run first inning na sinundan ng walo pa sa second na naging daan para sa Pinoy batters na umalagwa at dumistansiya para manatiling walang bahid sa kalahatian ng kanilang misyong manatiling kampeon sa seven-team tournament na ginaganap. sa Queen Sirikit Baseball Stadium.

Bagama't 11 hits lang ang hinataw ng tropa ni coach Orlando Binarao, bawi naman sa 11 walks na pinasidhi ng 3 errors ng Malaysia upang itala ang abbreviated victory bunga ng 15-run mercy rule.

“Kailangan talaga i-treat namin every game like it’s championship game so hindi puwede magrelax-relax hanggang sa makamit ulit namin ang gold,” wika ni Binarao, na suiya tring mentor ng Pilipinas na nagkampeon noong huling pagdaraos ng SEAG baseball noong 2019 Manila.

Tumikada si Liam de Vera ng 4 na RBIs sa pagdurog ng kalaban katuwang si winning pitcher .Clarence Caasalan, na nag- struck out ng 6 batters sa 3 innings. Ang Team Philippines ay naunang binokya ang Indonesia, 14-0,

na sinundan ng kanilang paglampaso sa Singapore, 17-3, in seven innings lang via 10-run mercy rule.

“'Yun talaga ang pinaghahandaan namin dahil may mga Thai-American sila, mga Thai-Japanese na players,” sambit ni Binarao “Pero alam namin na pinaghahandaan nila kami.”

Nalalabing kalaban ng Ph IX ay ang Vietnam at host Thailand.Ang top two teams ay maghaharap sa Biyernes para sa gold medal.