4 golds namina ni Cruz sa Batang Pinoy 2025

GENERAL SANTOS CITY - Apat na gold ang nadale ni FJ Catherine Cruz ng City of Mabalacat ang sa swimming event sa 16th Batang Pinoy – Philippine National Youth Games 2025 sa Antonio Acharon Sports Complex, kahapon.

SPORTS

10/29/20251 min read

GENERAL SANTOS CITY - Apat na gold ang nadale ni FJ Catherine Cruz ng City of Mabalacat ang sa swimming event sa 16th Batang Pinoy – Philippine National Youth Games 2025 sa Antonio Acharon Sports Complex, kahapon.

Nilista ni Cruz ang 1:07.93 minuto sapat na para maisabit ang gold medal sa a

girls 16-17 100m backstroke sa event na inorganisa ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa liderato ni Chairman Patrick "Pato" Gregorio.

Dinaig ni Cruz sina silver medalist Maxine Hayley Uy ng Bacolod City sa nirehistrong tiyempo na 1:08.70 at Kristine Jane Uy ng Manila na humablot ng bronze medal (1:10.10).

Bagupaman nalangoy ni Cruz ang gold sa 100m Freestyle at 50m backstroke sa Day 1 at 200m backstroke sa Day 2.

Ang iba pang tankers na lumangoy ng apat na ginto ay sina Nuche Veronica Ibit ng Aklan, Sophia Rose Garra ng Malabon at pambato ng City of Manila, Patricia Mae Santor.

Nasungkit ni Garra ang pang-apat na ginto nang magwagi sa girls 12-13 100m backstroke, silver medal si Jordane Porche ng City of Manila habang bronze ang nauwi ni Arinna Lim ng Iloilo.

Pakitang gilas din ang dalawang taga City of Butuan na sina Airielle Ashley Lape at Charlagne Jeen Luna matapos nilang sumikwat ng tig isang ginto sa Forms Competition - Traditional sa Arnis/Eskrima event.

Nakopo ni Lape ang gold sa girls 12-13 Traditional Individual Single Weapon habang sa girls 14-15 naman nanalo si Luna.

Sa athletics, nahablot naman ni Kian Labar ang gold sa U18 Boys 100m ng Iloilo, silver si Bacolod bet Renz James Solomon habang bronze ang nakolekta ni Prince Gemil Cuyos ng City of Quezon. (EM)

FJ Catherine Cruz