43rd PAL Manila Marathon News sa CCP Complex
ASAHAN ang isang kalidad na karera sa ika-43 edisyon ng Philippine Airlines Manila Marathon ngayong Hunyo 22 sa CCP Complex.
SPORTS
DANNY SIMON
5/30/20251 min read


ASAHAN ang isang kalidad na karera sa ika-43 edisyon ng Philippine Airlines Manila Marathon ngayong Hunyo 22 sa CCP Complex. Masusubukan ang kakayahan ng mga mananakbong Filipino ng delegasyon ng mga banyagang nasa 80 ang bilang sa pagpapatuloy sa isa sa pinakamatanda at makasaysayang karera sa bansa.
Lilimitahan ang mga kalahok sa 1,000 lang para sa lahat ng kategorya. Nakarehistro na ang may 300 katao na tatakbo sa 42.195 km at 300 na rin sa 21.1 km na may patakbo rin sa 10km at 5km - subalit oras na umabot ang kabuuan sa 1,000 ay isasara ang pagpapalista.
Maaaring mag-rehistro sa mga piling sangay ng Chris Sports sa SM North EDSA, MOA, Trinoma at Robinsons Manila. Ginaganap din ito online sa Race Roster.
Lahat na magtatapos ay gagawaran ng medalya at regalo mula sa mga sponsor. May t-shirt din para sa mga tatakbo ng Full Marathon at Half-Marathon.
Noong nakaraang taon ay nag-kampeon sina Richard Salano at Maricar Camacho sa tampok na Marathon. Mas determinado ngayong magpakita ang mga bibisita sa pangunguna ng bumabalik na si Nasser Allali ng Pransiya na pumangalawa kay Salano.
Titingnan din kung mahihigitan ang pinakamabilis na Marathon sa Pilipinas na 2:14:27 na itinala ni Waldemar Cierpinski ng Silangang Alemanya noong pinakaunang edisyon ng karera noong 1982. Galing si Cierpinski sa dalawang gintong medalya sa Marathon noong Montreal 1976 Olympics at matagumpay na inulit ito sa Moscow 1980.
Para sa karagdagang katanungan at impormasyon, bumisita sa www.manilamarathon.com.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato