49th Season Gov. Cup First Conference... FOUR POINT SHOT ANG PBA-ARENA PLUS PARTNERSHIP

MAS lalong humigpit ang pagiging sanggang-dikit ng Philippine Basketball Association (PBA) at Arena Plus para sa lalargang ika-49 Season ng PBA Governors Cup First Conference.

SPORTS

Danny Simon

8/14/20242 min read

MAS lalong humigpit ang pagiging sanggang-dikit ng Philippine Basketball Association (PBA) at Arena Plus para sa lalargang ika-49 Season ng PBA Governors Cup First Conference.

Sa press conference na ginanap kahapon sa Edsa Shangri-la sa Mandaluyong City, ang Arena Plus na official sports entertainment gateway to the Philippine Basketball Association ay lumagda ng kasunduan para sa isa na namang season ng pakikipagtambalan sa PBA sa aspeto ng sponsorship sa pangunguna ni Total Gamezone Xtreme Incorporated (Arena Plus) President Rafael Jasper Vicencio at PBA Commissioner Willie Marcial saksi si PBA Marketing Director Jo Francisco.

"This season, Arena Plus is fully committed to bringing an entertaining basketball experience to everyone, anytime and anywhere.The growing partnership between Arena Plus and PBA offers a quality and fun -filled season through events and activities both online and on ground with more prizes awaiting our fans and supporters", wika ni Vicencio sa panayam.

Ipinahayag din ng PBA ang tungkol sa bagong PBA rule na 4-point shot (long distance attempt conversion) na ang implementation ay sa first conference na at ito ay itinataguyod din ng Arena Plus.

Kaugnay nito ay inanunsyo ng PBA ang isang pakontes para sa PBA fans na makahuhula kung sinong player ang unang makakabuslo ng 4-point shot ay may laang premyong salapi mula din sa Arena Plus.

Ang PBA Governors Cup ay binubuo ng 12 participating teams ,sa Group A ay ang Converge,Terrafima, Northport, TNT, Magnolia at Meralco habang sa Group B ay ang Blackwater, Phoenix, NLEX, Rain or Shine, Ginebra at San Miguel Beer.

Maghaharap ang Meralco Bolts at Magnolia Hotshots sa game opener Sunday 7:30 ng gabi sa Araneta Coliseum.

PBA Commissioner Willie Marcial & Arena Plus President Rafael Jasper Vicencio

Total Gamezone Xtreme Incorporated (Arena Plus) President Rafael Jasper Vicencio