4th Sikaran Festival sa Tanay Hane Open pa sa mga Sasali!

HANDA na ang lahat ng sistema para sa bonggang pag-arangkada ng ikaapat na edisyon ng Sikaran Festival sa Tanay Hane na sasambulat sa Tany, Rizal sa Nobyembre 16.

SPORTS

Ni Danny Simon

11/6/20251 min read

HANDA na ang lahat ng sistema para sa bonggang pag-arangkada ng ikaapat na edisyon ng Sikaran Festival sa Tanay Hane na sasambulat sa Tany, Rizal sa Nobyembre 16.

Ayon sa pinuno ng organisador na Raven Sikaran Tanay na si Master Crisanto Cuevas,mataas ang level ng entusiyasmo ng tunay na nagmanahal sa traditional sport na sikaran kung babasehan ang talaan ng partisipante hanggang sa kasalukuyan.

Di na mapipigilan ng mga anumang tangkang balakid dahil umulan at umaraw ay tuloy ang kapistahan sa Sikaran Tanay Hane.

“ Ilang araw na lang ay Sikaran Festival na. Lahat po ay invited na mag-participate at marami na po ang nagpatala bagama’t may ibang elemento na ayaw magatagumpay ang ating adhikain ay mas marami naman ang sumusuporta sa mahal nating traditional sport na Sikaran partikular sa ating bayang Tanay,suportado po tayo ng LGU, Tanjuatco clan, atleta, coaches at magulang kaya walang magiging balakid na makapipigil sa ating okasyon para sa 'ting mga kababayan , tara na sa Tanay Sikaran Festival Hane”, wika ni Martial Arts International multi- awardee at hall of famer Master Cuevas.

Optimistiko si Cuevas na malalagpasan ng ikaapat na edisyon ng festival kung bilang ng partisipasyon ang pag-uusapan.

“Magkita tayong lahat lalo na sa ating kabataang sikaran sa pagdiriwang at tagumpay”, ani pa cuevas.

Para sa dagdag impormasyon , SDM kay Tanay Raven Sikaran secretary general Nicole Catolos#09757210551.