60 OFW'S BALIK-PILIPINAS NA MULA ISRAEL
MAKABABALIK na rin sa Pilipinas ang 60 Overseas Filipino Workers (OFW's) at 2 sanggol mula bansang Israel ayon sa Department of Migrant Workers( DMW).
NEWS
Danny Simon
10/28/20231 min read


MAKABABALIK na rin sa Pilipinas ang 60
Overseas Filipino Workers (OFW's) at 2 sanggol mula bansang Israel ayon sa Department of Migrant Workers( DMW).
Sa pahayag ni DMW OIC Hans Leo Cacdac, ang naturang repatriation ay bunga ng pagtutulungan ng kanilang departamento, OWWA at ng Philippine Embassy sa Tel Aviv.
Sa mga OFW na darating, 32 sa kanila ang nagtatrabaho sa hotel at 28 ang caregivers.
"This will bring total of 119 OFW's and 4 infants with total of 123 by Monday", wika ni Cacdac kasama ang mga nauna nang dumating na naapektuhan ng digmaang Israel at Hamas sa Palestine.
Ang mga darating na OFW's ay tatanggap ng kaukulang repatriation aid mula sa OWWA sa halagang P50,000 bawat isa.
Nasa kabuuang 30,000 ang mga nagtatrabahong Pilipino sa Israel kung saan ay mayorya sa kanila ay malayo sa nangyayaring giyera. DAS
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato