IN GOD WE TRUST

87th Kalilangan Chess Festival …PACMAN INT’L OPEN SA GENSAN

Ang pinaka aabangan na 87th Kalilangan Chess Festival 2026 na tinampukang Manny Pacquiao International Open ay susulong na mula Pebrero 23 hanggang Marso 1, 2026 na gaganapin sa Family Country Hotel, General Santos City.

SPORTS

Ni Danny Simon

1/7/20261 min read

Ang pinaka aabangan na 87th Kalilangan Chess Festival 2026 na tinampukang Manny Pacquiao International Open ay susulong na mula Pebrero 23 hanggang Marso 1, 2026 na gaganapin sa Family Country Hotel, General Santos City.

Ayon Kay tournament organizer Orly Ortega, ang event na ito na suportado ni Sen. Manny Pacquiao sa pakikipagtulungan ng Pacman Chess Association ay inaasahang dudumugin ng mga local woodpushers gayundin ang foreign counterparts.

Gaganapin ang International Open (Standard) mula Pebrero 23-27 na may kabuuang papremyo na humigit sa 3 million ($52,900) na ang magkakampeon ay magbubulsa ng $20,000.

Masisilayan naman ang Challenger (Standard) event mula Peb.23-27 na may kabuuang papremyo na P305,000 kung saan ang magkakampeon ay mag-uuwi ng P100,000.

Nakalinya din ang Class B (1950 and below rapid) event na may kabuuang pa premyo na P90,000 at iuuwi ng magkakampeon ang P20,000 na nakaiskeydyul naman sa Pebrero 28 gaya ng Elementary Rapid at High School Rapid na may tig P20,000 ang natatangap ng magkakampeon. Sa Peb.28 din ang Open Individual rapid na may P50,000 pa premyo sa magkakampeon.

Sa Marso 1 naman gaganapin ang Team Tatluhan Rapid na may P300,000 ang premyo sa magkakampeon na koponan.

Message sa facebook sina Orly Ortega at Johnnel Balquin para sa karagdagang detalye.-