ABANGAN SI LANZE RONQUILLO NG SAN SEBASTIAN SA NCAA 101

ISANG season pa ang hihintayin ng prolific pointguard at sharp shooter na si Lanze Ronquillo bago sumabak sa aksiyon ng National Collegiate Athletic Association sa kanyang dream team na San Sebastian Stags.

SPORTS

Danny Simon

9/4/20241 min read

ISANG season pa ang hihintayin ng prolific pointguard at sharp shooter na si Lanze Ronquillo bago sumabak sa aksiyon ng National Collegiate Athletic Association sa kanyang dream team na San Sebastian Stags.

Si Ronquillo, tinaguriang 'the stabilizer' na nagsimula ng kanyang young carreer sa San Beda boys team sa Taytay ay nahasa nang husto ang kanyang pagiging court general at asintado sa shooting department nang mapabilang siya sa Philippine youth squad na nagkampeon sa Thailand league noong 2017 na kinilala pa ng Malacanang ang kagitingan ng mga batang basketbolista na kinatawan ang bansa.

Naglaro din si 'el capitan' Lanze, anak ni basketball enthusiast Joseph Ronquillo ng Cocolife, bilang junior player ng University of Santo Tomas Cubs bago siya napabilang sa SSC Recoletos.

Inilabas na kamakalawa ng Stags ang power lineup nito para sa NCAA Season 100 na kabilang sa paparada sa grandeng pambungad seremonya sa Sabado sa MoA Arena, Pasay City.

" Nasa resident status pa si Lanze kaya next season pa siya kakikitaan ng aksiyon.Sa ngayon ay nakapaga-adjust na siya sa bagong koponan kaya abangan si Lanze sa 101, " wika ni Joseph Ronquillo ng Pilipinas Super League at SVP ng Davao Occiental Tigers Cocolife katuwang sa basketball program sa pamumuno ni Pres.Atty Jose Martin Loon, SVP Otep, VP Rowena Asnan at EVP Elmore Omelas.

LANZE RONQUILLO