AFAD Defense and Sporting Show sa SMX
Lalarga ang pinakahihintay na 31st Defense & Sporting Arms show sa bansa, na inorganisa ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines Inc. (AFAD), simula sa Miyerkules (July 23) sa SMX Convention Center sa Pasay City.
SPORTS
Enjel Manato
7/22/20252 min read


Lalarga ang pinakahihintay na 31st Defense & Sporting Arms show sa bansa, na inorganisa ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines Inc. (AFAD), simula sa Miyerkules (July 23) sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Ipinahayag ni Alaric ‘Aric’ Topacio, tagapagsalita ng AFAD, na kapana-panabik ang programa para sa miyembro at mahigit 40 exhibitors bunsod nang mga positibong kaganapan na nagbibigay ng malaking tulong sa industriya, gayundinsa mga responsableng nagmamay-ari ng mga aril at sa mga miyembro ng Philippine shooting team.
”Expect world-class imported and locally made firearms and equipment for both sports shooters and responsible gun owners on full displays in our event. Expect the best of shooting as our members and even this year's exhibitors feeling the highs of the positive developments in the industry’s long fight for legit recognition,” pahayag ni Topacio.
Inimbitahan bilang mga espesyal na panauhin at tagapagsalita ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan at mga alagad ng batas sa pangunguna nina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla at Philippine National Police (PNP) Chief Police General Nicolas Torre III sa pagbubukas ng seremonya na magtatampok din sa pagbibigay-pugay sa mga miyembro ng Philippine National Shooting na nanalo ng mga medalya sa katatapos lamang na International Practical Shooting Championships sa Czech Republic.
"Ang mga highlight ng kaganapan ay isang pagpupugay sa ating mga Filipino shooting champions. Ang ating mga shooters ay nakakolekta ng 16 na gintong medalya, sa kabila ng katotohanan, sila ay nagsasanay na may limitadong bala at maikling panahon na paghahanda. Karapat-dapat silang parangalan dahil pinatunayan nila na maaari tayong maging kapantay laban sa pinakamahusay sa mundo," sabi ni Topacio, na ang nakatatandang kapatid na si Hagen ay isa ring multi-medal shooter (shotgun).
Dagdag pa ni Topacio na napapanahon ito bilang suporta sa pagsabak ng National Team sa 2nd IPSA Action Air World Championship, kung saan iho-host ng bansa mula Hulyo 26 hanggang Agosto 3 sa Iloilo City. Makakalaban nila ang 200 shooters mula sa 40 bansa.
“The recent Congressional action not only provided a whiff of fresh air to members of the Philippine Shooting Team and responsible gun owners but also boosted the firearms industry as well, in line with the unrelenting effort to push for fair, practical, and responsible regulations,” ayon kay Topacio.
Sa ilalim ng binagong panukalang batas, mula sa dating limitasyon sa pagbili ng bala na 50 rounds lamang, ang mga non-sports shooters ay maaari na ngayong makabili ng 500 rounds habang ang mga miyembro ng Philippine Shooting Team (rifle, pistols, shotgun at practical shooting) ay pinapayagang magdala ng hanggang 5,000 rounds para magamit para sa intensive training at competitions.
Gayundin, sinabi ni Topacio na ang karaniwang mga seminar at gawaing pang-edukasyon tungkol sa tamang paghawak ng mga baril, wastong paglilinis at pag-iimbak ng mga kagamitan ay muling bibigyan ng atensyon at kasama ang mga ahensyang nagpapatupad ng batas na handang tumulong at gumabay sa mga may-ari ng baril sa kanilang aplikasyon para sa indibidwal na License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at Firearm Registration (FR).
Kasama sa mga miyembro at exhibitor ang Trust Trade, PB Dionisio & Co. Inc., Squires Bingham International Inc., Twin Pines, Inc. (Tactical Corner Inc.), Nashe Enterprises, Hahn Manila Enterprises, Shooters Guns and Ammo Corp., Metro Arms Corporation, R. Espineli Trading, Imperial Guns, Ammo & Accessories, Jethro International Inc.; Stronghand Incorporated, Final Option Trading Corporation, Force Site Inc, Lynx Firearms and Ammunition; Tactical Precision Trading, Armscor Shooting Center,
Topspot Guns and Ammo, Lordman Leathercraft Guns and Ammo, Defensive Armament Resource Corp. True Weight, Tactics SOG Industries Inc., Lock and Load Firearms and Sporting Goods Corp., Santiago Fiberforce, Jordan Leather & Gen. Mdse., Speededge, Magnus Sports Shop, Greyman Elite Inc., Frontier Guns's Ammo & Rajmo Trading Mga Supplies, Vulkan Armoury, True Weight at Secure Arms.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato