IN GOD WE TRUST

AFAD nagsusulong ng Responsableng Pagmamay-ari ng Baril at Shooting Sports

Nagbabalik ang Defense and Sporting Arms Show (DSAS) para sa ika-32 edisyon nito, na muling nagpapatibay sa adbokasiya nitong isulong ang responsableng pagmamay-ari ng baril, edukasyon sa tamang paggamit ng mga armas, at patuloy na pagpapaunlad ng komunidad ng shooting sports sa Pilipinas.

SPORTS

7/7/20263 min read

Nagbabalik ang Defense and Sporting Arms Show (DSAS) para sa ika-32 edisyon nito, na muling nagpapatibay sa adbokasiya nitong isulong ang responsableng pagmamay-ari ng baril, edukasyon sa tamang paggamit ng mga armas, at patuloy na pagpapaunlad ng komunidad ng shooting sports sa Pilipinas.

Inorganisa ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD), ang limang araw na eksibisyon ay gaganapin mula Hulyo 22 hanggang 26 sa SMX Convention Center sa Mall of Asia Complex sa Pasay City.

Kinikilala bilang isa sa pinakamalalaking eksibisyon ng firearms at outdoor lifestyle sa bansa, pagsasamahin ng DSAS ang mga nangungunang importer, manufacturer, distributor, retailer, at iba pang stakeholder ng industriya ng baril, kasama ang mga sports shooter, kolektor, at outdoor enthusiasts. Tampok sa eksibisyon ang malawak na koleksiyon ng mga lokal at imported na baril, bala, optics, shooting accessories, tactical equipment, outdoor gear, at mga pinakabagong inobasyon mula sa mga kilalang kumpanya sa industriya.

Pangungunahan naman ni Senate President Pro Tempore Juan Miguel "Migz" Zubiri ang pagbubukas ng programa bilang Guest of Honor. Bilang isa sa mga matagal nang tagapagtaguyod ng responsableng pagmamay-ari ng baril at shooting sports, ipinakikita ng kanyang pagdalo ang kahalagahan ng pagbibigay-balanse sa kaligtasan ng publiko at sa karapatan ng mga Pilipinong may legal na pagmamay-ari ng baril.

Bukod sa mga eksibit, binigyang-diin ng mga organizer na nananatiling mahalagang plataporma ang DSAS para sa edukasyon ng publiko hinggil sa firearm safety, legal na pagmamay-ari, at responsableng paggamit ng mga baril.

Ayon kay AFAD President Aric Topacio, ang responsableng pagmamay-ari ng baril ay nakasalalay sa edukasyon, disiplina, at paggalang sa batas.

“The firearms industry is not simply about commerce. It is about cultivating a community of responsible, law-abiding firearm owners who understand that every firearm carries with it a serious obligation,” pahayag ni Topacio.

“The Defense and Sporting Arms Show has always been an educational platform where we promote safe handling, proper storage, legal compliance, and responsible participation in shooting sports. We believe that informed and responsible citizens contribute to a safer society,” aniya.

Binigyang-diin din ni Topacio na ang mga kamakailang insidente ng kriminal na paggamit ng baril ay dapat magsilbing paalala upang mas mahigpit na ipatupad ang umiiral na mga batas laban sa mga lumalabag, sa halip na mabigyan ng negatibong pagtingin ang mga lisensiyado at sumusunod sa batas na gun owners.

“Criminal acts should be met with swift justice against those who commit them. Law-abiding firearm owners who undergo licensing, background checks, and comply with existing regulations should not be equated with criminals. Public policy is strongest when it targets criminal behavior while respecting the rights of responsible citizens,” giit ni Topacio.

Aniya, sinusuportahan ng AFAD ang mga hakbang na nakabatay sa ebidensiya upang mapalakas ang pananagutan at kaligtasan ng publiko nang hindi nagpapataw ng hindi kinakailangang pasanin sa mga lehitimong gun owners, sports shooters, kolektor, at firearm enthusiasts na sumusunod sa batas ng Pilipinas.

Patuloy ding nakikipagtulungan ang AFAD sa Philippine National Police–Firearms and Explosives Office (PNP-FEO), mga lokal na pamahalaan, at iba pang ahensiya ng gobyerno upang isulong ang tamang proseso ng licensing, edukasyon sa firearm safety, at pagsunod sa umiiral na mga regulasyon.

Ayon pa kay Topacio, ipinakikita ng matagal nang pakikipag-ugnayan ng organisasyon sa mga regulator na maaaring sabay na maisulong ang responsableng pagmamay-ari ng baril at kaligtasan ng publiko.

“Responsible gun ownership begins with respect for the law. We have consistently encouraged our members and the public to comply with licensing requirements, safety standards, and responsible handling practices. Effective enforcement of existing laws remains essential in keeping firearms out of the hands of criminals while protecting the rights of qualified, law-abiding citizens,” sambit ni Topacio,

Bukod sa mga eksibit, tampok din sa ika-32 DSAS ang mga seminar, live demonstrations, product launches, at educational sessions na tatalakay sa firearm safety, marksmanship, pagpapaunlad ng shooting sports, mga legal na pagbabago, at responsableng pagmamay-ari ng baril.

Sa loob ng mahigit tatlong dekada, nananatiling nangunguna ang AFAD sa pagsusulong ng firearm safety, etikal na pamantayan sa industriya, at pagpapaunlad ng shooting sports sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng DSAS, patuloy nitong isinusulong ang paniniwalang ang pagmamay-ari ng baril ay isang legal na karapatan ng mga kwalipikadong mamamayan, ngunit kaakibat nito ang malaking responsibilidad na dapat isabuhay sa pamamagitan ng edukasyon, pagsasanay, pananagutan, at mahigpit na pagsunod sa batas. DANNY SIMON

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...