IN GOD WE TRUST

After Thailand triumph..Bernardino sasabak sa Singapore Chessfest

Nakatakdang sumabak muli ni Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr., kinikilalang online Arena Grandmaster, para sa ika-24 ASEAN + Age Group Chess Championships na gaganapin mula Agosto 7 hanggang 17, 2026 sa Tampines Hub sa Singapore.

SPORTS

8/6/20261 min read

Nakatakdang sumabak muli ni Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr., kinikilalang online Arena Grandmaster, para sa ika-24 ASEAN + Age Group Chess Championships na gaganapin mula Agosto 7 hanggang 17, 2026 sa Tampines Hub sa Singapore.

Ang 49-anyos na kilalang manlalaro mula Lungsod Quezon/Lungsod Mandaluyong ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa pagkakataong makasali sa tanyag na paligsahang ito ng ASEAN.

"Nais kong magpasalamat sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa pamumuno ni Chairman /President Cong. Prospero Pichay Jr., Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno, Kap. Marlon Manalo at Sir Ignatius Leong, sa pagbibigay ng suporta sa akin para sa paligsahang ito," pahayag ni Bernardino, beteranong sportswriter/ broadcaster..

"Inaasahan kong makakuha ng mga puntos para sa aking ELO rating," dagdag pa ni Bernardino, na nagmula sa Binalonan, Pangasinan.

Kamakailan lamang ay nagwagi si Bernardino sa 100th Saturday Evening Casual Blitz Chess Tournament na ginanap sa Red Knight Chess Cafe, Bambini Villa, Sukhumvit, Bangkok, Thailand noong nakaraang Agosto 1, 2026.(DAS)

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...