AGELESS TERRY QUE NG RAIN OR SHINE

TUNAY na basketball is life para kay team owner/ cager Terry 'Quick Release' Que.

SPORTS

DANNY SIMON

9/21/20252 min read

TUNAY na basketball is life para kay team owner/cager Terry 'Quick Release' Que.

Mula noong pagkabata ay basketball na ang nakagisnang sport ni Rain or Shine Paintmasters co-team owner (sa PBA) Terry Que sa impluwensiya na rin ng kanyang mga kababata, kaklase at kadribol sa Fil- Chinese community noon dito sa atin.

Mula noong schooldays ni Que hanggang sa pagiging matagumpay na negosyante nito ay naging bahagi na ng kanyang routine ang larong basketball.

Hanggang maging team owner na siya ng powerhouse na koponang Welcoat sa Philippine Basketball League( PBL) na kanilang naging mina sa paghakot ng kampeonato sa naturang amateur/ commercial league.Tampok na naging manlalaro niya ang PBA legend na si Samboy Lim.

Pero kahit na abala sa negosyo at pag-asikaso sa kanyang PBL team katuwang ang basketball enthusiast din na si Raymond Yu ay naglalaro pa rin siya ng aktwal na game local man o sa dayo kasama ang kanyang co-Fil-Chi master cagers. kung saan ay scoring machine siya lalo na gamit ang kanyang patented move na 'quick release' na mala-Arnie Tuadles noon.

Saksi ang inyong ka-Uppercut sa mga magilas niyang laro noon lalo noong isinama ako sa pagdayo ng ng FCBL team mula "Pinas sa World Chinese Basketball Open Invitational sa Bangkok,Thailand kung saan ay ginulat niya ang mga player counterparts doon sa estilo ng kanyang laro.Guest player niya noon sina Samboy,Abet Guidaben,Lim Eng Beng,Bong dela Cruz at mga FIL-Chino na teammates kaya nakapag-uwi sila ng karangalan sa masters FCBL Philippines noon.

Panalo kami dahil champion kasama si Terry Que sa loob at labas ng hardcourt.

Pumailanlang ang Welcoat sa PBA ng dynamic duo nina Que at Yu sa banner na Rain or Shine.

Misyon din nilang maipinta ang unang kampeonato sa PBA na posible nang mangyari sa malaong hinaharap.

Minsang nakapasyal ang Uppercut sa kanyang tanggapang Quepe sa Edsa Pasay ay isunama ako sa kanyang Wednsday Club sa kanilang sibdibisyon sa Magallanes kung saan ay ka-scrimmage niya ang kanyang mga staff at ka-subdi.

walang boss-bossing sa laro,pisikal ang bantayan pero umiskor pa din si Mr.QUICK RELEASE. May barreling drive convertion pa nga si Terry at buong tuwa niyang tinuran sa akin ay " Danny Simon ..me galaw bang ganyan si Alex Wang? ( kaibigang Fil-Chinese din na super ang love sa basketball na nagtatag ng Wang's Ballclub).

So pamilyar tayo kay Terry pero gulat pa rin ang korner na ito nang matunghayan natin sa fb post ni Bos RVL sa kanya FB na umiskor pa. din si Que ng 10 points sa kanilang 'FCVBA winning game 50-33 kontra Hatyai sa dinayong Asean Seniors Championship.

Sa edad niyang liyebo sitenta ay umiskor pa rin ng 10 puntos si bos sa pamamagitan ng kanyang contested na veteran QR moves.Teribol Terry...MABUHAY!

Terry Que with RVL (right)