AGELESS TERRY QUE NG ROS

TUNAY na asintado at nasa wido pa rin ang basketball.

OPINION

Danny Simon

10/16/20241 min read

TUNAY na asintado at nasa wido pa rin ang basketball.

Nagpakitang-gilas muli sa hardcourt at napabilib ang mga nakasaksi sa ipinamalas na husay sa paglalaro ng basketball partikular sa shooting department si Terry Que, co-owner ng astig na PBA team Rain or Shine Elasto Painters.

Sa idinaos na alumni game ng Philippine Cultural College kung saan tampok ang larong basketball,umiskor ng game high 53 puntos si Que mula outside at inside kung saan ay patented pa rin ang kanyang tiradang 'quick release' na sadyang mahirap bantayan.

Mismong ang PCC product ding sa Atoy Co (sweet shooting fortune cookie ng nabuwag nang PBA multi-grandslammer Crispa Redmanizer) ay humanga nang husto sa husay, tibay at staying power ng team top brass/ageless cager na si Que.

Gayundin ay sobrang bilib ang kanyang partner sa RoS na si Raymond Yu sa stamina sa laro ni Que na nasa liyebo syetenta na ay asintado at tirador pa sa scoring chores ng larong dominado ng kabataan at matatangkad.

Si Que na nakatuwang ni Yu sa basketball management mula pa noong Welcoat era na pemyadong koponan sa defunct PBL hanggang sa kasalukuyang PBA, ay consistent na nagpapakundisyon sa larong basketball kalaro ang mga empleyado (breaktime ) at kaibigan sa kanilang subdivision gym sa Makati City .

Samantala,tangkang itabla ang kanilang serye, 1-2 sa PBA semifinal best-of-seven kontra TNT Tropang Giga as of presstime sa Big Dome.

Lowcut: Acknowledgment and shoutout kay BosRVLachica.