IN GOD WE TRUST

AGM Bernardino ang naghari sa Bangkok Blitz Chess Tilt

Nagwagi sa pamamagitan ng tie-break si Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa 100th Saturday Evening Casual Blitz Chess Tournament na ginanap sa Red Knight Chess Cafe sa Bambini Villa, Sukhumvit sa Bangkok, Thailand kamakalawa ng gabi, Sabado, Agosto 1, 2026.

SPORTS

8/2/20261 min read

Nagwagi sa pamamagitan ng tie-break si Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa 100th Saturday Evening Casual Blitz Chess Tournament na ginanap sa Red Knight Chess Cafe sa Bambini Villa, Sukhumvit sa Bangkok, Thailand kamakalawa ng gabi, Sabado, Agosto 1, 2026.

Si Bernardino, kilalang online Arena Grandmaster, ay nagtapos na magkapareho ng iskor ng kanyang kababayang si Louie Salvador na may tig-6.0 puntos sa palarong may panuntunang 3 minuto dagdag 2 segundo bawat hakbang na inorganisa ng Red Knight Chess Cafe. Dahil sa mas mataas na puntos sa tie-break, kinuha ni Bernardino ang titulo, habang si Salvador naman ay pumangalawa.

“Sobrang saya ko sa tagumpay na ito at nais kong pasalamatan ang lahat sa kanilang suporta,” pahayag ni Bernardino, na isa ring Pilipino at Amerikanong chess master.

Ang sumunod sa nangungunang 10 ay sina: Gabriel Smit ng Netherlands (ika-3), Jerick Faeldonia ng Pilipinas (ika-4), FM Thiha Sai Han ng Myanmar (ika-5), Teo Hong Ming ng Singapore (ika-6), Chin Liukasemsarn ng Thailand (ika-7), Wu Yaou ng Sweden (ika-8), Leksukhum Anda ng Thailand (ika-9), Soikinas Jevgenijus ng Lithuania (ika-10).D.SIMON

AGM Marlon Bernardino

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...