AGM Bernardino papasiklab sa Mayor Dickerson Dauz Villar chess festival
NAKALATAG na ang lahat sa pagsulong ng chess simultaneous at exhibition ni Arena Grandmaster (AGM) Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa tinampukang Mayor Dickerson Dauz Villar chess festival sa Santo Tomas , Pangasinan sa Lunes, Pebrero 10, 2025, kaalinsabay sa anibersaryo ng pagkakatatag nito.
SPORTS
Menchie Salazar
2/8/20252 min read


NAKALATAG na ang lahat sa pagsulong ng chess simultaneous at exhibition ni Arena Grandmaster (AGM) Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa tinampukang Mayor Dickerson Dauz Villar chess festival sa Santo Tomas , Pangasinan sa Lunes, Pebrero 10, 2025, kaalinsabay sa anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Si Bernardino,koronadong 2005 Arlington, Virginia, USA champion at dating nangungunang manlalaro ng Rizal Technological University - Mandaluyong City varsity team ay haharaping sabayan ang mga piling pambatong chessers ng bayan via simul chess exhibition matches.
"It's an honor to be invited to this kind of rare simultaneous chess exhibition. Hopefully, I can share my knowledge with the residents of Santo Tomas , Pangasinan, especially the youth," sabi ni Bernardino na tubong Binalonan, Pangasinan.
Ang mga estudyante at residente ng Santo Tomas , Pangasinan ay sabik na makipagkita at makalaro pa kay Bernardino, ayon kay Mayor Dickerson Dauz Villar, isang awardee ng Asia's Golden Icon Awards bilang Asia's Exceptional Public Servant in Good Governance.
Ang bayan ng Santo Tomas ay nahahati sa 10 mga barangay. Bawat barangay ay binubuo ng mga purok at may mga sitio.
La Luna, Poblacion East, Poblacion West, Salvacion, San Agustin, San Antonio, San Jose, San Marcos, Santo Domingo at Santo Niño.
Si Bernardino, isang certified National Master at United States chess master ay nagsagawa din ng chess simultaneous exhibition matches sa Pozorrubio, Pangasinan noong Enero 11, 2025 sa imbitasyon ni Sportsman/Engineer Ernesto "Snooky" Salcedo III, na Bise Alkalde din ng Pozorrubio.
Si Bernardino ay sariwa pa sa pagkampeon sa Dugout 1594 Armageddon 8 Rapid Chess Tournament noong Enero 31 na ginanap sa Dugout 1594 Restaurant E.Rodriguez, Cubao, Quezon City.
Tumapos din si Bernardino sa 7th overall sa 16th Penang Heritage City International Chess Open 2024 Chess Championship na ginanap noong Disyembre 23-27, 2024 sa UOW Malaysia KDU Penang University College (Georgetown) sa Penang, Malaysia na nilahukan ng 105 woodpushers
Si Bernardino ang coach at delegation head ng PH chess team na nanalo ng 2 ginto at 1 bronze medal sa 32nd FIDE World Senior Chess Championship na ginanap sa Hotel Baleira, Porto Santo Island, Portugal mula Nob. 16-29, 2024.
Matatandaan na nakamit ni Bernardino ang isa pang kahanga-hangang tagumpay sa pagkapanalo ng unang puwesto sa 3rd Laos International Chess Open 2024 na ginanap sa 2nd floor Parkson@ Naga Mall sa Vientiane, Laos mula Setyembre 1 hanggang 6, 2024.
Kabilang sa mga sumusuporta sa kanyang kampanya sa chess dito at sa ibang bansa ay sina ALC Group of Companies Chairman at CEO D. Edgard Cabangon, International Billiard and Snooker Champion Marlon Manalo, Mayor Jon Jon Ferrer at Mr. Jessie Villasin.
Ang 47-anyos na si Bernardino, isang sportswriter at isang radio commentator ay nakatakdang lumaban sa Melbourne International Open 2025 sa Abril 7-14, 2025 sa Melbourne, Australia at sa Sydney International Open 2025 na gaganapin sa Abril 23-27 sa Novotel West, Rooty Hill sa Sydney, Australia.
AGM BERNARDINO
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato