AGUILAR AT JUN LEE: BAKBAKAN NA SA DYNASTY FIGHT CLUB!

NAGSANIB-PUWERSA sina Mixed Martial Arts icon Alvin Aguilar at Korean businessman/sports enthusiast Jun Lee upang mabigyan ng oportunidad ang mga local fighters na magkaroon ng maraming laban para mahasa ang kanilang angking lakas at talento tungong elite category.

SPORTS

Enjel Manato

6/7/20241 min read

NAGSANIB-PUWERSA sina Mixed Martial Arts icon Alvin Aguilar at Korean businessman/ sports enthusiast Jun Lee upang mabigyan ng oportunidad ang mga local fighters na magkaroon ng maraming laban para mahasa ang kanilang angking lakas at talento tungong elite category.

Sa press conference na ginanap kahapon sa Dynasty Fight Cub sa Roxas Blvd., Pasay City,inilahad nina Aguilar, founder ng URCC at pangulo ng Wrestling Association of the Philippines ang nakalatag na programa para sa mga combat fighters na potential na maging kampeon sa hinaharap sa naturang magiging breeding ground ng mga mandirigma sa ruweda patungong national team.

Napalapit na rin sa Korean national na si Lee, 17 taon nang nakabase sa bansa ang mga Pinoy fighter kaya sa abot ng kanyang kakayahan ay umagapay pinansiyal ito at ang pagiging opisyal na ruweda ng mga bakbakan ay magsisimula ngayong gabi sa Dynasty.

" We are giving away a million cash prize monthly for every 1-2-3 fighters of different weight division so they will have a target of a lifechanger in winning this field of mixed martial arts competitions", wika ni Aguilar.

Dahil dito ay nabuhayan ng pag-asa ang mga Pinoy fighters partikular ang mga dumalo sa naturang media conference kaya nagpasalamat sila kay Aguilar at Dynasty owner Korean Jun Lee.

Ani pa Aguilar, sa naturang proyekto para sa Pinoy mixed martial artists ay magiging bahagdan nila tungong tagumpay sa buhay.

Bakbakan na sa Dynasty! (kuha ni Menchie Salazar)