AIELLE AGUILAR NG PILIPINAS PINAKABATANG BACK-TO-BACK WORLD JIU-JITSU CHAMPION
ISANG taon na ang nakaraan nang ang Filipino jiu-jitsu artist na si Aielle Aguilar ang naging kauna-unahang pinakabatang world champion ng bansa sa combat sports kung saan ang kanyang pamilya ay kilala.
SPORTS
11/7/20231 min read


ISANG taon na ang nakaraan nang ang Filipino jiu-jitsu artist na si Aielle Aguilar ang naging kauna-unahang pinakabatang world champion ng bansa sa combat sports kung saan ang kanyang pamilya ay kilala.
Nitong nakaraang Huwebes lang, ang anim na taon na anak ni Alvin Aguilar - founding father ng Filipino mixed Martial Arts at international jiu-jitsu champion Maybelline Masuda ay napanatili ang kanyang korona at nasungkit ang pangalawang titulong magkakasunod na world champion sa 2023 Abu Dhabi World Festival Jiu-Jitsu Championship sa Mubadala Arena , United Arab Emirates.
Sumandal ang batang Aguilar sa karanasan ng yanigin ang pambato ng United Arab Emirates na si Maitha Barani at na-submit ng kanyang armbar ng maikling 12 segundo para hablutin ang gold medal ng Girls Kids 2 white belt 17 kg category.
"Great to see my daughter fighting and representing the flag this time. Her hard work, discipline at her young age have finally paid off in training all this year," wika ni Aguilar.
"Last year, I didn't see it live, so I am happy and we're all very proud of Aielle making another historic moment for the Philippines," ani pa Aguilar Ginapi muna ni Aielle si Brazilian Gabrielalla Kulzer, 4-1 sa semifinal round.
Si Alvin Aguilar, presidente ng Wrestling Association of the Phílippines, founding head ng Universal Reality Combat Championship ( URCC)at DEFTAC Philippines ay dumating mula sa Abu Dhabi matapos gabayan ang Philippine delegation sa matagumpay na kampanya sa World Combat Sports bilang chef de mission.
Ang Pilipinas ay nagwagi ng 3 gold medal kaloob ni Kaila Napolis ng jiu-jitsu, Muay Thai pair of Richien Yosorez at Kylie Mallari at taekwondo poomsae Darius Venerable na limang silvers at limang bronze medal.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City