AIMS BLUE SHARKS 3-0 NA SA NCRAA SEASON ELIMINATION
LALONG bumabangis ang Blue Sharks sa pagpapatuloy ng National Capital Region Athletic Association( NCRAA) Season's elimination round.
SPORTS
Danny Simon
3/7/20241 min read


LALONG bumabangis ang Blue Sharks sa pagpapatuloy ng National Capital Region Athletic Association( NCRAA) Season's elimination round.
Itinala ng Asian Institute of Maritime Studies ( AIMS) Blue Sharks ang ikatlong sunod na panalo matapos na lapain ang University of Luzon 101-78 kamakalawa sa Bestlink Gymnasium.
Ang Blue Sharks na unang tinalo ang ICC noong NCRAA opening at nasundan pa ng wagi kontra Emilio Aguinaldo College - Cavite bago ang kanilang pagsila sa UL ay ipinamamalas ang pambihirang lakas ng koponang suportado ng AIMS management sa pangunguna ni pres. Arlene Abuid Paderanga, CEO Chito Dalaguete, VP Janet Abuid Dandan, VP at sports executive Ted Cada.
Nagpasiklab nang husto sa depensa at opensa ang Blue Sharks pasimuno ang prolific pointguard nitong si Daryle Durante sa kanyang 21 pts., 10 rebs, 2 assists at 2 steals sapat na upang tanghaling best player of the game.
Katuwang sina Ghustin Gurrea na may 13 puntos,MJ Bautista (10 pts) Florence Montilla (9 pts), 8 pts apiece kina Jericho Peralta, Matthew Lapira at Jasper Reynaldo. Ang iba pang nag-ambag para sa panalo ay sina Andrei Geronimo,Dani Datwin,Benedict Ramiterre,JB Odvina at Vince Waminal.
" Unti-unti ay na-adopt na ng mga bata ang sistema, lalo na ang disiplina sa depensa. Special credit sa coaching staff,atas ko sa mga bata, kahit nagpapanalo stay grounded and humble,mas malaking laban ang nakaabang sa aming dadaanan.
Salamat sa suporta ng management, AIMS family at community", wika ni AIMS head coach Kiko Flores.
" We stepped at the right footing, sana deretso na ito upang maging winning tradition ng ating team in our future games. Go,go AIMS Blue Sharks!," sambit naman ni Cada.


TED CADA
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato