AIMS BLUE SHARKS 5-O NA SA NCRAA

MATAPOS malusutan ang St. Dominic Pikemen, 59-55 , natakasan din ng Asian Institute of Maritime Studies ang Dela Salle Dasmarinas, 86-82 sa pagpapatuloy ng pananalasa ng Blue Sharks sa elimination ng National Capital Region Athletic Association( NCRAA) kahapon sa Bestlink Gymnasium, Novaliches, Quezon City.

SPORTS

Danny Simon

3/11/20241 min read

MATAPOS malusutan ang St. Dominic Pikemen, 59-55, natakasan din ng Asian Institute of Maritime Studies ang Dela Salle Dasmarinas, 86-82 sa pagpapatuloy ng pananalasa ng Blue Sharks sa elimination ng National Capital Region Athletic Association (NCRAA) kahapon sa Bestlink Gymnasium, Novaliches,Quezon City.

Binanderahan ni Matthew Lapira sa kanyang sterling 24pts 11rebs katuwang sina Dani Datwin- 16pts at 10rebs, Gushtin Gurrea-12pts 11rebs at MJ Bautista - 7pts. Si rookie pointguard JB Odvina ay kumamada ng 9pts 5 rebs at 11 assist ang ang pangggupo sa LaSalle D kung saan ang krusyal na convertion 2x2 sa free throw at field goal ni Odvina sa dying seconds ng laro ang sumelyo na panalo.

Ted Cada

"We dictated the tempo of the game in all quarters, our defense and high octane offense is the key to our victory, my players just played their hearts out today,"wika ni AIMS head coach Kiko Flores kasabay ng pasasalamat sa AIMS management sa pangunguna ni president Arlene Paderanga, Janet Dandan, Ted Cada, sa buong whole AIMS community,aims family sa todo suporta gayundin kina Arvel Cabaling at Robbie Tantoco.

Nalalabing makakalaban ng Blue Sharks sa first round elimination ang powehouse PATTS at Olivarez College. " Five wins and counting. We'll treat every game a must win one at a time. Go Blue Sharks!", pahayag ni Cada.