AIMS BLUE SHARKS LALAHOK SA 2ND SEASON NG NUCAA

ISANG malakas na koponang pang- scholastic institution ang lalahok at nagbabadyang managpang sa susunod na edisyon ng National Universities and Colleges Athletic Association Season 2 na aarangkada sa susunod na buwan ng Pebrero, 2024 sa Ynares Sports Center sa Pasig City.

SPORTS

Danny Simon

1/18/20241 min read

ISANG malakas na koponang pang- scholastic institution ang lalahok at nagbabadyang managpang sa susunod na edisyon ng National Universities and Colleges Athletic Association Season 2 na aarangkada sa susunod na buwan ng Pebrero, 2024 sa Ynares Sports Center sa Pasig City.

Ang Asian Institute of Maritime Studies(AIMS) Blue Sharks na batikang koponan sa inter-scholastic cage league sa Metro Manila ay handa nang magpakitang gilas sa NUCAA2.

" Binigyan ko na ng instruction si coach (Kiko Flores) na i-ready ang mga bata para sa paglahok namin sa NUCAA Season 2", pahayag ni AIMS executive official( dating sports director) Ted Cada.

" It's a welcome development for our league.AIMS is one of the respected team in scholastic basketball league in Metro Manila.Welcome to NUCAA", wika naman ni NUCAA Executive Duirector Leonardo Andres.

Bukod sa AIMS, imbitado ring koponan ang PCCR, CSCQC, SPCBA,

ELECTRON, ICCT ,IIHC,

AIRLINK, PATTS, BESTLINK, ICC, MMC, WCC Caloocan, CCP,TCA at PCU.

Inimbitahan namang maging special guest speaker si Philippine Basketball Association (PBA) legend at superstar Alvin 'The Captain' Patrimonio na magpapaningning sa pagbubukas ng prestihiyosong ligang pang-unibersidad, kolehiyo at institusyon.

Sinabi ni Chairman Atty. Carmelo Arcilla sa NUCAA executives, managers', athletic directors and coaches meeting sa CAB , Pasay City kamakailan, mas komprehensibo, innovative at mataas pang-antas ng kumpetisyon ang matutunghayan sa ikalawang edisyon ng scholastic basket ball league na nationwide ang saklaw.

"It's all systems go for the opening of NUCAA Season 2, the genuine and comprehensive grassroot basketball league in the country today", wika ni Chairman Arcilla (Civil Aeronautics Board E.D.) na ipinagmalaki ang masigabong tagumpay ng liga sa buwenamanong edisyon nitong nakaraang taon.

Katuwang niya sa NUCAA management sina Solomon Padiz (President), Romualdo Eduardo Dumuk (Executive Vice President), Atty. Joanne Marie Fabella (Corporate Secretary), Leonardo Andres , Sr. (Executive Director), Arlene Fajardo Rodriguez (Deputy Executive Director), Gene Bang Tumapat (Treasurer), Ricardo Andres (Auditor), Arturo Valenzona (Director) Arturo Bai Cristobal (Director) at Dan Simon (PRO).

Ang final meeting ng opisyales ng liga, team managers, sports coordinators at coaches ay nakatakda sa Enero 23 sa naturan ding venue.