AJIDO, MOJDEH PASIĶLAB, MGA BAGITO PAKITANG -GILAS SA PANAGOC DAY 2

Lumitaw ang mga bagong bituin sa PANAGOC Swimfest.

SPORTS

Danny Simon

6/22/20242 min read

Lumitaw ang mga bagong bituin sa PANAGOC Swimfest.

Patuloy na nagningning ang pimakamatikas na junior swimmers sa bansa kahit na lumitaw ang mga bagong swimming star sa podium nitong Sabado sa penultimate day ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) National Age Group Championships sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa loob ng sikat na Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Maynila.

Ang mga beteranong internationalists na sina Jamesrey Mishael Ajido at Micaela Jasmine Mojdeh ay nangibabaw sa kanilang kapwa miyembro ng National Team sa napagwagihang gintong medalya sa kani-kanilang mga Klase, ngunit ang araw na iyon ay para rin kina Pia Severina Magat, Pia Ato, Nicola Diamante, at mga nakababatang kapatid ni Jasmine na sina Behrouz Mohammad at Mikhael Jasper Mojdeh.

Ang 15-taong-gulang na si Ajido, na may hawak ng Asian junior record sa boys 12-14 100m butterfly (55.98), ay nagwagi sa kanyang ikaapat na gintong medalya matapos manguna sa boys 15 Class A 50-m backstroke (28.50), 100-m freestyle (53.97) at 100-m butterfly. Nanalo siya ng kanyang unang ginto sa 200-m freestyle (2:00.42) sa pagbubukas ng torneo nitong Biyernes ng tatlong araw na torneo na suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, at Speedo.

Tinalo niya sina Elijah Ebayan ng South Warriors (30.24) at John Jeremy Villanueva ng Pasig (30.42) bago pinalo ang kanyang klase laban kina Matt Aaron ng Elizabeth Seton (58.02) at Rodevic Gonzalvo ng Green Blasters (58.32). Sa butterfly, tinalo niya sina Rodevic Gonzalvo (1:00.12) at Elijah Ebayen (1:01.77).

“Maganda na po yung pakiramdam ko, sana po, mas heal na po yung balikat ko before the National tryouts in August,” said the multi-titled international referring to the injury in his left shoulder he sustained during the ASEAN School tryouts last month.

Tinaguriang 'The Water Beast', si Mojdeh, ang two-time World Junior Championship campaigner, ay nanguna sa girls' 17-over Class A 100-m breaststroke na nagtala ng 1:16.62 laban kina Dee Vianne Catedrilla ng Nautilus (1:20.73) at Gerice Oyaman ng FTW Royals (1:21.64). Siya ay pumangalawa kay Camille Buico (29.01) sa 50-m butterfly (29.27).

Ang kanyang mga bunsong kapatid na lalaki at mga kasamahan sa koponan sa BEST Elite ay gumawa ng kanilang marka sa pag-angkin ni Behrouz Mohammad ng ginto sa boys 13 Class A 100-m backstroke (1;16.49), 100-m fly (1:05.41), at 400-m Individual Medley , habang ang 9-year old na si Mikhael Jasper ang nanguna sa boys 9 Class B 50-m breast (51.45), 100-, fly (1:34.70), 50-m fly (38.60), 100-m free (1:16.94) at 200-m libre (2:45.76).

Nanalo rin si Magat, ang 7-taong-gulang na wonderkid mula sa Sharkpeedo Swim, sa 100-m freestyle (2:08.42) at 50-m, breast (1:08.28), habang si Pia Ato ay naghatid sa girls 14 Class B 100-m free (1:09.49) at 400-Im (6:02.10), habang si Diamante ang nanguna sa girls 13Class A 50-m back (32.79).

Ang iba pang nanalo sa Day 2 ay sina Arianne Lim sa girls 11 Class A 50-m back (38.28), Sophia Rose Garra 12 Class A 50m back (32.69), Elizabeth Requuioma 15 Class A 100-m fly (1:09.51), Savinahh Oliveros 16 100-m fly (1:09.40), Kyla Louise Bulaga 14 Class A 100-m fly (1:07.69).