IN GOD WE TRUST
AKSIYON NA SA PRBA: LET’S START THE BALL ROLLING!
ISANG higanteng hakbang ang isinagawa ng Philippine Roll Ball Association (PRBA) sa pagpapalakas ng roll ball sa bansa matapos nitong lagdaan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Silvinia Village Homeowners Association, Inc. (SVHAI), sa pakikipagtulungan ng United Reborn Skaters Roll Ball Association (URSRBA), para sa paggamit ng Silvinia Village Covered Court sa Barangay Talipapa, Novaliches, Quezon City.
SPORTS
Ni Danny Simon
6/3/20262 min read


ISANG higanteng hakbang ang isinagawa ng Philippine Roll Ball Association (PRBA) sa pagpapalakas ng roll ball sa bansa matapos nitong lagdaan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Silvinia Village Homeowners Association, Inc. (SVHAI), sa pakikipagtulungan ng United Reborn Skaters Roll Ball Association (URSRBA), para sa paggamit ng Silvinia Village Covered Court sa Barangay Talipapa, Novaliches, Quezon City.
Ang pasilidad na matatagpuan sa Tamban Street ay magsisilbing opisyal na venue para sa pagsasanay at pagdaraos ng mga torneo ng PRBA at URSRBA habang patuloy nilang isinusulong ang pagpapalawak ng roll ball sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Pinangunahan nina PRBA President Tony Ortega, SVHAI President Domingo “Jun” Batimana Jr., at URSRBA President at Coach Jayson Seneres ang seremonya ng paglagda ng kasunduan. Nasaksihan ito ng mga atleta ng roll ball mula sa PRBA at URSRBA, gayundin ng mga kinatawan ng homeowners association.
Ipinahayag naman ni Batimana ang kanyang pasasalamat sa mga organisasyon sa pagpili sa Silvinia Village Covered Court bilang bahagi ng paghahanda ng pambansang koponan at ng grassroots development program para sa sport.
"Nagpapasalamat ako na kasama niyo [sa signing] ito. Sana kayo mga kabataan maging susi para maglaro kayo ng sarili niyong talento tungkol sa roll ball at maraming salamat at napili niyo na maging isang tunay na roll ball venue.", sinabi ni Batimana.
Sa kanyang panig, ibinahagi ni Ortega ang mga plano ng pederasyon sa mga susunod na taon, kabilang ang paglahok ng Pilipinas sa dalawang malalaking international competitions ng roll ball.
"After ng dalawang international competitions na sinalihan from India in the past two years, ngayo'y maglalaro ngayon sa Junior World Cup ngayong taon at saka yung World Cup sa 2027, ngayon po mas mahaba ang preparasyon at mas malawak po kami. Di po pwede basta nakasama previously, automatic kasama. Talagang may screening. We will be bringing coaches at magkakaroon ng national competitions sa Coron, Lingayen at Quezon City. At continous magkakaroon pa rin small events and team activities.", wika ni Ortega.
"Nagpapasalamat kami na buong-buo ang court nito sa mga cities at provinces na ginagamit po ng mga roller skaters. Importante po na magkaroon ng collaboration at partnership na nakakaintindi kung ano ang sports. Hopefully maging longer ang relationship namin [with SVHAI].'", dagdag pa niya.
Samantala, patuloy na nagsisikap ang PRBA na makamit ang pagiging miyembro ng Philippine Olympic Committee (POC) at mapaigting pa ang suporta mula sa Philippine Sports Commission (PSC) bilang bahagi ng kanilang layunin na higit pang mapaunlad ang roll ball sa bansa.
Bukod sa Quezon City, kabilang na rin sa lumalawak na hanay ng mga komunidad ng roll ball ng PRBA ang Coron, Palawan; Lingayen, Pangasinan; at Cainta, Rizal, na nagpapakita ng pangmatagalang plano ng organisasyon na palaguin ang sport sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
