'ALAO CUP 3X3 HAHATAW SA SAN LUIS, ANTIPOLO',
ISANG espesyal na programang pang-sports ang handog ng Alao clan sa Bgy. San Luis, Antipolo City.
SPORTS
Danny Simon
1/12/20241 min read


ISANG espesyal na programang pang-sports ang handog ng Alao clan sa Bgy. San Luis, Antipolo City.
Raratsada na sa Enero 19,2024 ang Alao Cup 3x3 Basketball competition para sa mga kabataang San Luis upang lumawig pa ang larangang tatluhang torneo sa basketball na inorganisa ni dating AMA( NCRAA) at JRU ( NCAA)varsity player at kasalukuyang LEAP coach Airness Rhei Jordan Alao, taal na residente ng San Luis at anak ni basketball sport leader na dating batikang commercial cager Ray Alao.
Ang torneo ay handog para sa mga kabataan ng San Luis na may potensyal at may ambisyong makarating sa kanilang direksyong bigtime basketball.
"Barangay San Luis basketball athletes,elevate your game as the Alao Cup 3x3 basketball tournament unfolds on January 19, 2024 at Alao's Homecourt, Spring Beauty St. , Antipolo Hills.Mark your calendars for a thrilling showdown of skill, passion and the pursuit of victory!", pahayag ni Airness Rhei Jordan Alao.
Panauhin naman sa opening si Dela Salle University varsity playet Mur Prince Alao na unang naglaro ng streetbasketball sa San Luis.
" Basketball is so good to us kaya ibinabalik namin ito sa mga kabataan dito na mahilig sa basketball Susuporta lagi ang pamilya Alao",wika ni Ray Alao, pangulo ng Sinag Liga Asya.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato