IN GOD WE TRUST
ALEX EALA MURAL PAINTING SA TARLAC
IKINATUWA ng inyong Sports Cafe nang sabihin ng ating hepeng patnugot/ alagad din ng sining Compadre Dani Simon na Igagawa niya ng obrang mural painting ang ating world class at champion tennis player Alex Eala.
SPORTS
NI ALEX WANG
11/21/20261 min read


IKINATUWA ng inyong Sports Cafe nang sabihin ng ating hepeng patnugot/alagad din ng sining Compadre Dani Simon na igagawa niya ng obrang mural painting ang ating world class at champion tennis player Alex Eala.
Bagama't basketball ang ating first love, Marapat lang na saluduhan ang mga magigiting nating atleta tulad sa larangan ng tennis na nagkaroon tayo ng isang natatanging atleta tulad ni Eala na nanindak ng mga mababagsik sa mundo ng tennis na ngayon lang nangyari sa PILIPINAS.
Isang unique na mural painting (sa wall ng tennis court) sa Bgy. Comillas, Lapaz, Tarlac ang iguguhit ni Pareng Simon katuwang ang mga kabataang artist din na ikakasa ngayong buwan ng Nobyembre.
Sa ating abang kakayahan ay susuportahan natin ang unique na kaganapan kaya inyong matutunghayan ng live kung paano iguhit at idibuho ang ating tennis icon na in the near future ay tatanghaling kampeon sa Wimbledon.. ABANGAN!!!
Ayon kay Mr. Uppercut Simon, ang Bgy. Comillas ang tanging may de-kalidad na tennis court kaya pangarap niyang dumami pa ang venue na magiging mina ng talento ng mga potesyal na susunod sa yapak ni idol Eala.. .HATAW NA!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, ParaƱaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
