Aljon 'The Lion' Leoner, wish mag-tryout sa Wang's

OPENSA, depensa at shooting ang tatlong departamento na markado ang inilalaro ni Aljon Leoner na binansagan ding 'The Lion' dahil sa bangis nito sa both ends ng hardcourt.

SPORTS

4/15/20241 min read

OPENSA, depensa at shooting ang tatlong departamento na markado ang inilalaro ni Aljon Leoner na binansagan ding 'The Lion' dahil sa bangis nito sa both ends ng hardcourt.

Ang teen- ager pa lang na si Leoner,tubong Comillas, Lapaz, Tarlac ay hinahangaan na dahil sa pagiging mama na nito sa laro kung saan ay lagi siyang instrumental sa pagiging kampeon ng kanyang koponan sa mga 'ligang La Paz".

Wish ni Leoner na pagkatapos niya ng high school sa Comillas ay makapag-tryout siya sa Wang's Ballclub na nakaka-produce ng mahuhusay na manlalaro mula sa collegiate,commercial at mayroon ding koponan sa PBA D-League na abot -kamay na sa pangarap ng lahat ng players na marating- ang PBA.

Nagkampeon kamakailan ang team TRANSPORTER sa idinaos na Comillas 'SK' Basketball Tournament kung saan bukod sa Mythical 5 ay siya rin ang tinanghal na Best Defensive Player.

"Nais ko pong mag-tryout sa Wang's lalo na meron silang D-League at wish ko po ma- meet si manager Danny Espiritu", wika ni Leoner. DAS

'The Lion' Leoner ng champion Transporter