IN GOD WE TRUST
ALL THE BEST CHARLY SUAREZ!
SASABAK muna ang ating pambatong kampeon na si Charly Suarez sa isang malaking laban bago ang tunay niyang misyon para sa bayan ang makamit na ang tunay na karangalan at ultimate goal na world boxing champion para sa Pilipinas.
SPORTS
DANNY SIMON
6/24/20261 min read


SASABAK muna ang ating pambatong kampeon na si Charly Suarez sa isang malaking laban bago ang tunay niyang misyon para sa bayan ang makamit na ang tunay na karangalan at ultimate goal na world boxing champion para sa Pilipinas.
Ang prized fighter ng AFP na si Suarez ay makikipag- encuentro kay Manuel Avila ng USA para sa WBO International title na isang 10- rounder sa National OrangeShow Event Center , San Bernardino , California, USA.
Magaganap ang bakbakan sa Hulyo 18, 2026 kung saan ngayon pa lang ay in the bag na ang mistulang practice game lang ni Charly.
Huwag lang magkumpiyansa ang ating bida at panatilihin ang sting ng kanyang kamao at sa agapay ng kanyang magiting na buddy - buddy trainer- coach Delfin Boholst , it’s all over but the counting of 8 at itataas na ang kamay ni victorious Suarez kasabay ng kanyang matinding hamon sa kontrobersyal na titleholder na dapat kay Charly ang WBO championship belt kundi sa isang controversial no- contest na desisyon ng boxing officials doon sa ‘Tate.
Paghahandaan ng ating tunay na kampeon ang resbak na laban upang matuldukan na ang
Isyu kung sino talaga ang tunay na kampeon sa Suarez- Navarette malamang sa darating na na Oktubre.
Angbakbakang Suarez--Avila sa Hulyo ay naging posible dahil sa mga bigtime promoters na sina Paco Damian, Robert Garcia,Garry Jonas at Sampson Lawkowicz at ng Probox TV Event.
Ka Delfin Boholst, isa kang tunay at mahusay na handler, ikaw ang giya sa tagumpay ng ating bida. All the best Filipino pride Charly Suarez kaagapay sa training si assistant coach Eric Belanger , may-ari ng Split -T Boxing Club Gym.After Avila .. si Emmanuel Navarette ang next!… Bring home the bacon ang misyon ng ating kampeon…ABANGAN!!!
Lowcut- Belated Happy Birthday at Fathers Day sa ating Compadre sarado Ed Sonza . Narito siya sa Pinas upang magbakasyon grande at makasama ang kanyang mahal sa buhay , kaibigan at kapartido sa politika. Makapasyal din ang Uppercut sa balwarteng Tarlac at muling makadaupang- palad siya bago bumalik sa kanyang second home sa US of A. See you compadre ..kudos to Edward Sonza and Ervin Salvador.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
