IN GOD WE TRUST
AMIGO WOPSY ZAMORA, BASEBALL AT GAME OF THE GENERALS
IBA talaga pag pinag- ukulan ng atensyon ni Amigo Wopsy Zamora anumang larangan o aspeto sa buhay.
SPORTS
NI DANNY SIMON
7/2/20262 min read


IBA talaga pag pinag- ukulan ng atensyon ni Amigo Wopsy Zamora anumang larangan o aspeto sa buhay.
Si Zamora na alagad ng sining noong kanyang prime ay isang matagumpay na negosyante partikular ang kanyang tanyag na Amigo Entertainment Technologies, Inc sa BGC.
Isang taal na sports enthusiast ang Atenistang si Zamora, matimbang sa kanya ang sport na baseball kung kaya nang kanyang ipokus ang atensiyon na palakasan, ang baseball program ng National University Bulldogs ay biglang naging powerhouse ang koponan sa UAAP .
Pruweba ito ng milestone ng NU Bulldogs na 3-peat champion sa Universities Athletic Association of the Philippines men’s baseball na nagtatag nang dinastiya nito sa collegiate league.
Dahil sa tumatamlay na lagay ng baseball sa elite level,sa kanyang pagsisikap katuwang si ka Pepe Munoz ng DLSU, Mayor Ping Remollo ng Dumaguete at iba pang prominenteng pigura sa larangan ay naitatag ang amateur/ commercial na Liga Baseball Philippines ( LBP)na ngayon ay nasa ikalawang edisyon na at naging panibagong direksiyon ng mga mahuhusay na baseball players after college.
Nais niyang maibalik ang glorya ng baseball sa bansa dahil noong dekada 70 ay powerhouse team ang Pilipinas sa Asia.
Wish ni Wopsy na makahabol sa mga namamayagpag ngayon Japan, South Korea, Chinese Taipeh at China sa aspeto ng sports development, popularity ay success in marketing -wise na isa namang mission possible.
Sa tulong din ng corporate aspect partikular ni business icon Hans Sy, definitely. baseball in the Philippines is in good HANS.. Abangan!
For your information(FYI) , si Amigo Wopsy ang isa sa promotor ng Game of the Generals na naging popular sa bansa noong 70’s. Ngayon ay wish ni Wopsy na pasiglahin muli ang naturang mind game at kanya nang inaayos lahat ng aspeto sa pagratsada muli ng GG sa Pilipinas.
Dahil si Zamora ay mistulang may Midas Touch, abangan ang pagbalikwas sa popularidad ng Game of the Generals.. SULONG AMIGO WOPSY!
Lowcut-Game of the Generals, also called as GG or GOG or simply The Generals is an educational war game invented in the Philippines by Softonio H.Pasola , Jr in 1970. it’s Filipino name is SALPAKAN, it can be played in 20 to 30 minutes. It is designed for two players each controlling an army, and a neutral arbiter( sometimes called a Referee or an Adjutant )to decide the result of challenges between opposing playing pieces that have their identities hidden from the opponent.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
