AMMA MANILA SUCCESS PUGAY KAY BAMBOL

MATAGUMPAY na nairaos ang higanteng kaganapang Asian Mixed Martial Arts (AMMA) Manila Open Championship na ginanap sa Marriott Grand Ballroom, Newport World Resort sa Pasay City (Oct.14-16).

OPINION

Danny Simon

10/17/20241 min read

MATAGUMPAY na nairaos ang higanteng kaganapang Asian Mixed Martial Arts (AMMA) Manila Open Championship na ginanap sa Marriott Grand Ballroom, Newport World Resort sa Pasay City (Oct.14-16).

Paghanga,saludo at pasasalamat ang ipinarating ng higit 80 atleta mula 16 na bansa sa Asia sa punong-abalang Nasyonal Mixed Martial Arts Pederasyon Pilipinas sa pamumuno ni Cong .Abraham ' Bambol' Tolentino( pangulo ng Philippine Olympic Committee at Tagaytay City Mayor) katuwang sina NMMPP secretary general Alvin Aguilar ,mag- utol na Aaron at Ron Catunao.

Naging home away from home ang pagdayo ng mga participants sa 3 araw na kaganapan lalo pa't naranasan nila ang pamosong Filipino hospitality at napatunayan nilang ' really a place to be at it's more fun in the Philippines'.

Dahil sa systematic na hosting ay naging smooth, patas, walang aberya at napatunayang safe sport ang naturang larangang amateur ang aspeto kung kaya ang mga bisita ay umalis at nagsiuwi sa kanilang bansa nang nakangiti may medalya man o wala.Patunay ito sa idinaos na festive gala dinner para sa lahat nang naging bahagi ng AMMA Manila Open na 'happy all kay Bambol'.

Sa naturang prestihiyosong international event sa martial arts, tinanghal na overall champion ang bansang Tajikistan na may pinakamaraming medalya at premyong salapi ang naiuwi.

Segundang top performer ang Kazakhstan at tersera ang China.

Ang gold medal tally ayon sa weight category ay ang sumusunod:*Kazakhstan trad. MMA 56 kg.*Tajikistan trad.MMA65 kg. Kazakhstan trad MMA 77kg. Chinese Taipeh Modern 96kg, /5.China MMA women 54kg. Tajikistan trad.mens MMA 120kg, Tajikistan MMA mens 60 kg Kazakstan MMA mens 65 kg. Tajikistan trad MMA mens 71 kgs. Kyrgystan trad MMA mens 85 kg China trad MMA. womens 60kg .

Tatlong bronze naman ang nasungkit ng ating Pinoy fighters pero nangako ang NMMAPP na pag-iibayuhin ang pagtuklas ng talento na kakatawan sa AIMAG Riyadh 2025 at Asian Games 2026 sa Japan at panibagong edisyon ng AMMA sa Chinese Taipeh...ABANGAN!!!