ANAK NI GOMA NA SI JULIANA GOMEZ PASOK SA PH FENCING TEAM FOR SEAGAMES

TUNAY na nananalaytay sa dugo ang pagiging atleta ng bayan sa mag-amang Gomez.

SPORTS

DANNY SIMON

8/7/20251 min read

TUNAY na nananalaytay sa dugo ang pagiging atleta ng bayan sa mag-amang Gomez.

Noong 2005 Southeast Asian Games sa Maynila, nakopo ni Richard Gomez ang gold medal sa fencing para sa Pilipinas.

Dalawang dekada ang nakalipas, ngayong 2025, nag-qualify naman ang kanyang anak na si Juliana Gomez bilang kinatawan ng bansa para parating na Southeast Asian Games sa Thailand sa Disyembre sa misyong duplikahin o lagpasan ang golden performance ng kanyang idolong amang sportsman,actor at lingkod- bayan na si Cong.Richard Gomez.

Nitong nakaraang taon, si Juliana , ang unica ija ng celebrity couple na sina Richard at Lucy Torres-Gomez,ay naghatid ng karangalan para sa kanyang pamilya at paaralan matapos masungkit ang kanyang presyosong gintong medalya sa UAAP Season 86 Women's Fencing division.

Ngayong taon din ,muling naging proud ang kanyang magulang dahil naka-pokus na siya sa mas malaking hamon bilang atleta ng national fencing team na opisyal nang nag- qualify kamakailan lang.

Si Richard,dating national fencing team member na kalaunan ay naging president ng Philippine Fencing Association nang higit sa siyam na taon ay buong pagmamalaking inilahad ang achievement ng kanyang anak bilang fencing athlete ng national team sunod sa kanyang yapak.

“Three of our athletes from Ormoc City qualified for the Women’s Epee National Team and will be seeing action at the coming Thailand SouthEast Asian Games in December. Let’s go team!..

Alexa, Juliana and Ivy.”sambit ng Representante sa Lower House na si Cong. Gomez at kasalukuyan ding opisyal ng Philippine Olympic Committee( POC).

Last month ay naging punong- abala ang Ormoc City sa fifth and final leg ng Philippine Fencing Association (PFA) senior rankings — ang krusyal na qualifying event para sa nalalapit na SEA Games sa Thailand..Heto na si Juliana Gomez..DA BEST!

Lowcut- Welcome aboard to our magigilas na alagad ng pamamahayag sa GILAS NEWS ORGANIZATION at ka-AGILA na sina Kuya Prince Edgar Akhilesvar Dequit (Correspondent), utol ni Kuya Pres ng Chito Dequit (photo journalist) at ang pride ng Katimugan na si Kapanalig Datu Alexander Pingol- special feature corres at consultant din ng Indegenous People. PUGAY!