Ang 4- point shot sa PBA

Naging kontrobersyal ang pagkakaroon ng 4' point shot sa PBA. Dinepensa naman ito ng mga nagpanukala na linya lang yan at kung ayaw mo huwag ka tumira ng 4 pointer.

SPORTS

Atty. Ariel Inton

8/20/20242 min read

Naging kontrobersyal ang pagkakaroon ng 4' point shot sa PBA. Dinepensa naman ito ng mga nagpanukala na linya lang yan at kung ayaw mo huwag ka tumira ng 4 pointer.

Pero alam n'yo ba na ang field goal points ay originally one point each noong inimbento ni Dr. James Naismith ang basketball taong 1891? At di tulad ngayon na pag naka-shoot ang isang team ay automatic na bola ng kalaban.

Sa panahon ni Naismith ay jumpball ulit. Pero dahil marami nang pagbabago sa rules of the game ay nagkaroon ng 2 points pag- field goal at 1 point kada free throw.

Kailan naman nagkaroon ng 3 points?

Unang nagkaroon ng 3 points noong 1961 sa American Basketball League. Pero dahil one and a half years lang ang ABL nawala na rin ang 3-point shot. Ang NBA naman ay hindi gumagamit ng 3-point shot . Pero nang nagkaroon ng kumpetensya ang NBA nang itinatag ang American Basketball Association noong 1967 na may 3-point shot ay sineryoso na ng NBA na magkaroon na rin ng 3 pointer. Pero bihirang gamitin ang naturang rainbow shot noon. Ginagamit lamang ito pag dying seconds na at kailangan humabol sa score. Hindi tulad ngayon na all throughout the game ay ordinaryo na ang tumitira ng dagger 3 anytime of the game.

Balik tayo sa 4 points shot. Tulad ng 3 points shot ay naimbento ito upang humikayat ng fan base ang isang liga.

Ang PBA kasi hindi tulad ng 1970 to 1990s walang karibal na liga. Ngayon marami na at ang NBA games ay napapanuod na rin live! Hindi dahil mahihina o walang mga fan base ang mga kasalukuyang players kaya't mas konti nanunuod ng PBA.

Mas marami lang ang kumpetensya ng PBA sa mga nanunuod dala ng makabagong teknolohiya. Kayat naisip ng mga nasa likod ng PBA na introduce ang 4-point shot. Pero sa ngayon ay malamig ang tanggap ng fans dito. At marahil tulad ng 3-point shot ay dekada pa ang kailangan dumaan bago ito matanggap ng fan base.

In the meantime walang masamang subukan ito at kapag may mga laro na ang lamang ay 4 points at ilan second na lang ang natitira sa laro at may titira ng 4 points para makahabol malalaman natin kung magbibigay ng excitement ito sa fans ng PBA. Pero sa ngayon hanggat hindi ginagamit ng team ang 4 points ay mananatiling linya lang sa loob ng court.