ANG 4-PT SHOT NG PBA AT PALABRA DE HONOR

ANG korner na ito ay lubos na pinagpipitagan ang pamunuan ng PBA partikular kay Commissioner Willie Marcial at ang Board of Governors.

OPINION

DANNY SIMON

9/11/20242 min read

ANG korner na ito ay lubos na pinagpipitagan ang pamunuan ng PBA partikular kay Commissioner Willie Marcial at ang Board of Governors.

Ilang araw bago magsimula ang season ng Asia's first play -for- pay league na PBA ay tradisyunal na ang idinaraos na press conference at kabilang ang Uppercut na kumokober nito mula pa noong panahon ng namayapa nang si Comm. Jun Bernardino.

Nitong nakaraang presscon ng PBA 49 ay dumalo rin ang inyong lingkod.

Tinalakay ng mga bossing ng PBA kung ano pa ang maasahan ng PBA fans sa ihahain nang susunod na conference pati mga pakulo na dagdag interes para panoorin ng live ang primerang pastime sa bansa.

Isa dito ang bagong inobasyon na 4-point shot.

Inanunsyo nina Comm. Marcial with the governors na nasa prresidential table ang bagong challenge na handog sa media at fans ng pakontes kung sino ang makakabuslo ng unang 4-point shot sa opening game.

Dahil sa mismong presscon nag-announce ng 'guess contest' at thumbs up naman ang sasagot sa premyo na Arena Plus ay join naman ang korner na ito.

FYI,mahilig ang Uppercut sumali sa kontes tulad noong naging champion ako sa Milo writing, on the spot painting, guess the sale sa horseracing cup at ang tampok na mascot name and visual art contest na si GILAS, ang naging opisyal na mascot noong 2005 SEAGames sa Manila na ako ang lumikha na kinilala at pinagtibay ng Philippine Olympic Committee at op kors may kaukulang premyo.

Itong sa PBA guess the first 4-point conversion contest, bago ang opening ceremony at game opener ng Meralco vs Magnolia ay inireport ko sa ating Gilas News ang hula kung sino ang babasal sa naturang potensyal na game changer shot.

Bingo! Sapul ko ang nagtala ng record na unang converted shooter ng 4- pointer. Bancheroooh.. 4-points! Si Chris Banchero ng Meralco nga ...MISMO!

Sa isip ko..sure winner ang hula ko pero tiyak na may naka-guess ding ibang entry. Ipinarating ko kaagad ang masayang panalo sa PBA office at mismo kay Kume.

Sabi naman niya tingnan niya muna ang mechanics.

Ang siste, ilang araw ang nakaraan, mukhang nag-iba ang ihip sa hula-hoop kontes na inanunsiyo ng mga nirerespeto kong mga bossing sa PBA.

Lumabo ang usap at umayaw daw ang PBA press corps sa naturang pakulo na dapat sana ay noon mismong presscon nila ito tinutulan.

Pero di pa rin nawawalan ng pag-asa ang korner na ito dahil ramdam ko na paninindigan nila ang salitang binitawan di naman sa kanto lang kundi sa pormal na bulwagan ng Shangrila.

Nakausap ko ding personal si G. Rafael Jasper Vicencio, bossing ng Arena Plus na higanteng partner ng PBA tungkol dito dahil sya mismo ang umoo bilang sponsor ng pakontes noong presscon mismo at pinagtibay ng aking post interview sa kanya that time.

Sabi niya noong magkita uli kami last week lang sa awarding nila kay Olympic double gold medalist Carlos Yulo, handa naman aniya ang Arena Plus na ibigay ang premyo para sa nanalong media at fans basta umokey na ang PBA.

Kaya ako nama'y maghihintay pa rin ng positibong desisyon ng mga kapita-pitagang personahe sa PBA na napakahalaga sa kanila ang 'PalaBrA de HONOR'... saludo Senor!

Lowcut: Ang panalo sanang iyon ay mailalaan ko pandagdag sa aking adbokasiyang pagtuturo ng ARTS sa mga bata sa countryside na DanniGilas Free ARTS & Sports Clinic for Young Artists. Wish ko lang mga Boss para sa mahal nating mga musmos.