ANG OBRA MAESTRO KO KAY PAMBANSANG KAMAO
ISANG taon mahigit na nang magkita kami ni Filipino boxing icon, 8- Division World Champion turned public servant Manny Pacquiao sa kanyang MPVL( liga ng volleyball)press conference sa Mariott ,Pasay City.
SPORTS
ni Danny Simon
11/6/20252 min read


ISANG taon mahigit na nang magkita kami ni Filipino boxing icon, 8- Division World Champion turned public servant Manny Pacquiao sa kanyang MPVL (liga ng volleyball) press conference sa Mariott, Pasay City.
Matapos ko siyang makapanayam, casual kong naipakita sa kanya ang naging project ko sa Tarlac na sports mural painting na bahagi ng aking programang Dannisimon Free Arts Lesson and Sports Clinic sa Kanayunan.
Ang ating Pambansang Kamao ang bida sa aking obra.
Sa naturan ding piyesa ay tinuruan kong magkulay at tumikada ng pinsel ang mga batang may potensiyal sa larangan ng sining na ikinatuwa ni Pacman nang kanyang makita thru my mobile phone ang obra maestro ng inyong kakorner.
Sa kanyang art appreciation ay sinabi niyang gawaan niya ako ng ganoong piyesang mural at kanyang inatasan si Cris na kanyang go -to -guy para sa transaksyon kung magkano abutin.
So, kahit na walang paunang bayad ay ginawa ko ang order niyang mural na matagal ko ding inobra dahil gusto ko ay detalyado at buhay ang aking subject na idolo ng mundo.
Sa madali't-sabi natapos ang obra kaya frame na lang ang kulang.
Kinokontak ko si Cris ng maraming beses pero di siya ma-reach.
Dumaan ang midterm election naging abala si champ sa kampanya at di na uli kami nag-krus ng landas pero siyempre maliit lang mundo ng sport kaya tiyak na magkikita uli kami ni idol.
Nagkataon na ang Batang Pinoy Games ay ginanap sa GenSan at isa ang Uppercut sa kumober ng event.
Pero di rin kmi nagkita dahil nasa Kyusi pala siya para sa Thrilla in Manila.
Ang konsolasyon dito ay na-meet ko ang mga pinagpipitagang personahe na very close kay People's Champ.
Through our colleague sa impormasyon na si PIO chief Rombel Catolico ay nakadaupang-palad ng korner na ito si Mdam (Dr.) Bing Velandria noong nagpadinner sa local at national media si Mayora Lorelie Pacquiao.
Super close friend pala sila ni Champ kaya aniya ay i-relay niya ang ating nais iparating kay Pacman.
Sumilay ang ating pag-asa kay Champ thru Ms Bing- ang General Operations Mall Manager ng Robinsons General Santos City na sanggang dikit pala sila business-wise etc.
Ngayon pa lang ay nagpupugay na ang UPPERCUT sa inyo Senator Pacquiao, Ms Bing, Bos Rombel at Mayor Lorelie...
GANDANG GENSAN!..WOW!!






Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09451935742
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato
