IN GOD WE TRUST
ANG TWO-THIRDS VOTE
Hindi ba makakaboto ang mga senator- judges na pansamantalang nakakulong dahil sa kasong no bail recommended?
OPINION
Ni Atty. Ariel Inton
7/5/20262 min read


Hindi ba makakaboto ang mga senator- judges na pansamantalang nakakulong dahil sa kasong no bail recommended?
Sa mga nangyayari ay mukhang may mga senador pang makakasuhan at makukulong habang may impeachment trial si VP Sara Duterte.
Inaasahang aabot daw ng pitong buwan ang trial bago ito matapos. Pagpalagay natin na nagumpisa ang trial ay apat na senator judges ay wala dahil nakakulong , makakaboto pa ba sila sa impeachment trial.
Depende. Kung ang pagbobotohan ay isang pinagtalunan na motion during the trial ay hindi siya makakaboto dahil sa wala siya sa impeachment court. At ang boto lamang ng mga present ang kailangan para pagpasyahan ang motion.
Pero iba kapag magbibigay na ng hatol kung absuelto o hindi si VP Sara.
NO PERSON SHALL BE CONVICTED WITHOUT THE CONCURRENCE OF TWO THIRDS OF ALL THE MEMBERS OF THE SENATE.
Malinaw yan. Pero paano kung hindi makakaboto dahil nga wala siya. Kung wala siya ay SENATOR PA RIN BA SIYA ? At kung sakali hindi siya makakaboto PERO SENATOR PA RIN SIYA mababawas ba siya sa bilang na ALL MEMBERS OF THE SENATE?
Paano naman kung halimbawa yun mga nakakulong ng nagsimula ang trial ay nakapag pyansa o na absuelto DURING THE IMPEACHMENT TRIAL, pero absent siya during the trial dates, puede ba siya bumoto ng acquittal o conviction ni VP SARA?
Oo naman. Dahil senator judge siya. AT PRESENT NA SIYA DURING THE DAY JUDGMENT WILL BE RENDERED.
Ang two thirds vote of all members of the senate ay sa araw ng pagboto ng hatol. NOT DURING THE TRIAL.
E paano absent naman siya during the trial ano basehan niya sa pagboto.. Aba'y may transcript ng proceedings, may mga pleadings, dokumento,may video recording ng trial. Maski wala siya ay puede niya tingnan ito para makapagdecide siya.
Walang pagkakaiba yan na ang isang judge ang dumidinig sa kaso , tapos nag resign o napalitan o nawala sa puesto sa kalagitnaan ng trial ay papalitan ng bagong judge. Yun bagong judge ang mag dedecide hindi yun dati kahit hindi siya ang nagumpisa ng kaso.
Kaya ang debate kung 16 senators ang kailangan para maconvict si VP SARA ay magiging moot ang academic kung sa araw ng hatol ay present ang 24 senators. At sa haba ng trial, maaring makumpleto rin sila sa mahalagang araw na yun. At yan ang iniiwasan mangyari ng prosecution.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
