Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing... ATLETA NI SEN. 'TOL TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!
TUNAY na mangas ang Pilipinas pagdating sa combat sports partikular sa larangan ng kickboxing.
SPORTS
Danny Simon
10/28/20241 min read


TUNAY na mangas ang Pilipinas pagdating sa combat sports partikular sa larangan ng kickboxing.
Kaya naman bilang aktibong tagasuporta ng sports, partikular sa kickboxing sa Pilipinas, naninindigan si Senate Majorty Leader Francis Tolentino na malaki ang potensiyal at husay na sana ay naipapamalas ng mga atletang Pilipino kung may sapat na suporta ang mga ito, lalo sa pagpapahusay nila sa napiling larangan.
Kasunod ito ng lubos na paghanga at pagpupugay ni Senator Tol sa ipinamalas na husay ng mga Pilipinong humakot ng 16 na medalya sa Asian Kickboxing Championship sa Phnom Penh, Cambodia.
Kasalukuyang presidente sa Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP), pinuri rin ni Senator Tol ang Filipino kickboxers sa pagkakaroon ng “skills, heart, and huge potential in the sports."
Patuloy na aktibong nagsusulong si Senator Tol ng iba't ibang programa at pagpapahusay para sa kickboxing sa buong bansa, partikular sa kabataan, kaya lubos niya itong itinampok bilang kategorya ng sport sa National Reserve Officers' Training Corps (ROTC) Games kamakailan.
#PilipinasToday #FrancisTolentino #TOL
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato