AP CAYETANO AS SENATE PREXY

KUNG meron mang nararapat na maging Senate President ng susunod na 20th Congress,wala nang iba kundi si Senator Alan Peter Cayetano.

OPINION

DANNY SIMON

5/25/20251 min read

KUNG meron mang nararapat na maging Senate President ng susunod na 20th Congress, wala nang iba kundi si Senator Alan Peter Cayetano.

Isang mahusay na abogado, matalas sa debate,may liderato at isang tunay na statesman si Sen. APC swak bilang Senate President ng Republika.

Sa pagpasok ng bagong Kongreso kung saan ay magkakaroon umano ng palit ng liderato sa Mataas na Kapulungan sa pamamagitan ng napipintong pagpatalsik sa nasa tronong si Senate prexy Chiz Escudero.

Sa dami ng lumutang na pangalan ng posibleng next SP, Si Cayetano ang napupusuan ng mas nakararami na pabor sa gentleman from Taguig.

Ang naging Speaker ng House of Representatives at Depertment of Foreign Affairs Seecretary na si Cayetano noong panahon ni FPRRD ay may kakayahang iangat ang dignidad ng institusyon at resibo na niya ang kanyang track record bilang lingkod - bayan sa sa larangan ng politika.

Taglay ng anak ng pinagpipitagang lawmaker na si legendary forer Sen.Renato ' Compañero Cayetano at kapatid ni reelected Senator Pia Cayetano ang kalibre kung paano ipagtanggol ang mga isyung dapat ang makinabang ay ang taumbayan.

Kaya sa susunod na August Chamber, wish ng korner na ito na ang kalibre ni APC ang maging SP...ABANGAN!!

* PALENG'KLER UMAY OH MY! **

SA isang beat reporter, kinaiinggitan noon pag ang mga naka-asignatura sa Malacañang.

Ang araw-araw kasi nilang istorya ay mga aktibidades ng Pangulo ng bansa at kapanayam pa lagi ang Chief Executive na isa nang kasaysayan at karangalan bilang isang mamamahayag.

Noon iyo kapag matapang, decisive at walang ikinukubling isyu ang pinuno ng bansa.

Siya mismo ang nagpapahayag ng mga kasagutan sa mga kritikal na tanong ng mga deadline beater sa palasyo.

Ang siste ngayon, di na nila makapanayam ang Presidente at ang inihaharap ay ang ispoksperson kuno paro atakdog ng itinuturing na mortal na kalaban sa politika.

Isang yusek na paleng'klera ang lagi na nilang kapanayam sa midyabriping.kakaumay oh my..SPORTS na lang ang ating beat.

...MISMO!